PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rescued Black Panther by Animal Lover

The black panther has millions of followers on social media.
by Bernie V. Franco
Published Sep 25, 2023
panther
Isang linggo pa lamang, inaruga na ni Victoria ang isang kuting sa zoo dahil inabandona ito ng ina. Ngayon, malaki na ang kuting na isa palang black panther, at ngayon ay kasa-kasama ni Victoria sa bahay.
PHOTO/S: @luna_the_pantera on Instagram

Isang harmless na kuting ang inalagaan ng isang Russian woman na si Victoria.

Mahina at nanganganib ang buhay ng kuting dahil one week pa lang ito, inabandona na siya ng ina sa zoo.

Agad kumilos si Victoria, isang animal lover, para mailigtas ang kuting.

Pero may pangamba si Victoria kung ano ang mangyayari paglaki ng hayop.

Dahil ang kuting ay isang wild cat at carnivorous animal: isang black panther.

Read: True story: Pambihirang pagkakaibigan ng leon at aso

SAVING A KITTEN

Taong 2020, isinilang ng isang black panther ang kuting nito sa isang Siberian zoo sa Russia.

Pero one week after, dinedma na ito ng ina at hindi na pinadede.

Kinontak ng zoo management si Victoria, na nakatira malapit sa zoo, dahil may karanasan ito sa pagpapalaki ng wild cats.

Alam ni Victoria kung paano mag-alaga at magpakain ng wild cats.

Planong ibenta ng zoo ang kuting kapag lumaki ito. Pero dahil naantig ang puso ni Victoria, siya na ang kumupkop sa kuting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinangalanan niya itong Luna The Panther.

“I was asked to take care of the kitten, because I already had a similar experience, and I was territorially closest to the zoo.

“I agreed to take care of her, and then decided to redeem Luna,” Ani Victoria sa report ng Animal Channel noong 2021.

Hinang-hina ang kuting nang makuha ni Victoria.

Inaruga niya ito, pinainom ito ng gatas, pinakain ng meat, at tinuruan para maging domesticated.

Read: Pet owner apologizes for cat stealing expensive bikinis, undergarments in neighborhood

kitten

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasanay si Luna sa kanyang bagong environment.

May isa pang alaga si Victoria, ang malaking Rottweiler na si Venza, kaya nag-aalala si Victoria kung ano ang magiging kahihinatnan ng kanyang aso at ni Luna paglaki nito.

Kuting pa lamang si Luna ay nakakasama na ni Venza.

Read: Car with 998-kg bull passenger pulled over by police; bull is a ‘local celeb’ in Nebraska City

rottweiler and kittenSi Venza at nang maliit pa si Luna

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya nasanay ang dalawa na magkasama habang lumalaki.

Lagi silang magkasamang naglalaro at naghahabulan sa snow.

Nagkaroon ng strong bond sa pagitan nina Venza at Luna, na parehong pinuno ng pagmamahal ni Victoria.

Gumawa ng social-media accounts si Victoria na tampok si Luna the Black Panther.

Makikita rito na hindi ordinaryong pusa si Luna. Mas malaki pa nga ito sa Rottweiler, mabilis tumakbo, at kumilos.

Umabot siya ng 50 kilograms.

Subalit makikita rin sa videos kung gaano siya kakumportable kasa-kasama si Venza.

Malambing pa ito dahil madalas niyang dinidilaan ang Rottweiler.

black panther and dog

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

black panther and rottweiler

Ang Instagram account ni Luna ay may 3.5 million followers, ang YouTube account ay may 2.7 million, at halos 10 million ang sa TikTok.

Sa ngayon, regular ang pagpo-post ni Victoria tungkol kay Luna na three years old na.

Kasama sa mga videos ang paglalaro nila ni Venza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero paalala ng animal experts, hindi basta-basta ang pag-aalaga ng black panther na isang wild animal at hindi talaga pet.

Kaya bago isiping mag-alaga ng isang wild cat, kailangang may kaalaman at karanasan gaya ni Victoria.

Victoria and Luna

Sa Pilipinas, may batas na ipinagbabawal ang paghuli at pamiminsala sa wildlife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa RA 9147: Wildlife Resources Conservation and Protection Act, ang “collecting, hunting or possessing wildlife, their by-products and derivatives” ay may katumbas na parusang pagkakakulong ng anim na buwan hanggang isang taon.

May multa ring PHP10,000 hanggang PHP100,000 pagdating sa “vulnerable species.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang linggo pa lamang, inaruga na ni Victoria ang isang kuting sa zoo dahil inabandona ito ng ina. Ngayon, malaki na ang kuting na isa palang black panther, at ngayon ay kasa-kasama ni Victoria sa bahay.
PHOTO/S: @luna_the_pantera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results