PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bilanggo tumakas sa mismong araw ng kanyang paglaya

“World's most pointless prison escape”
by KC Cordero
Published Sep 25, 2023
Hands climbing around barbed wire
Naging palaisipan sa pamunuan ng bilangguan kung bakit tumakas ang isa nilang inmate gayung lalaya na ito.

Si Kamoljon Kalonov, isang Russian, ay nasentensiyahan ng 22 taong pagkakakulong dahil sa mga krimen na kanyang nagawa tulad ng dalawang beses na pagpatay, pagnanakaw, at pag-iingat ng mga baril at pampasabog.

Ikinulong siya sa IK-19 penal colony sa village ng Markova malapit sa Irkutsk, isa sa largest cities ng Siberia.

Read: Mahigit PHP3M na perang ididikit sa artworks, ibinulsa ng artist; blank canvas lang ang ipina-frame

Napagsilbihan na niya ang kanyang sentensiya, at lalaya na dapat siya nitong September 22, 2023.

Pero noong umaga ng kanyang release day, natuklasan ng Federal Penitentiary Service na wala si Kalonov sa kanyang kulungan.

Hindi rin siya makita sa buong bilangguan.

Wala rin siyang pinasabihan kahit sino kung nasaan siya.

Read: Hari ng isang tribu sa Ghana, hardinero sa Canada

Prison area

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Scientist na-decode ang language ng mga ibon; ano ang ambag ng "giant bird mask" sa experiment?

Kaya itinuring siya ng mga awtoridad na isang pugante.

Si Kalonov ay nagmula sa city of Zima sa Irkutsk region.

Una siyang na-convict sa kasong pag-ootganisa ng isang criminal community, at pinalaya noong 1997.

Muli na naman siyang nahatulan noong 2001 dahil sa pag-iingat ng mga baril at pampasabog kung saan binuno niya ang 22 taon na pagkakabilanggo.

Read: Babaeng akala ay "joke" lang ang jackpot winners sa lotto, suwerteng nanalo

Technically, ang colony kung saan nakakulong si Kalonov ay isang open facility.

Malayang nakakagalaw ang mga bilanggo rito kaya iniisip ng mga awtoridad na baka may pinuntahan lang ito sa labas ng kulungan.

Paliwanag ng Main Directorate ng Federal Penitentiary Service of Russia para sa Irkutsk Region, batay sa patakaran sa nasabing bilangguan, kahit tatlong araw na mawala sa loob ng colony ang isang bilanggo, hindi pa rin ito ituturing na pugante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kung sa loob ng tatlong araw na palugit ay hindi pa rin nakabalik sa loob ang bilanggo, ituturing na siyang pugante at mahaharap sa criminal punishment na apat na taong pagkakabilanggo.

Batay pa sa ulat, kahit natapos na ni Kalonov ang kanyang 22 taon na sentensiya, lalaya lang siya on parole.

Puwersahan din siyang ihahanap ng gobyerno ng trabaho (forced labor) kahit hindi niya gusto.

Read: English teacher na naging pulubi, nakabangong muli!

Hand holding a fence

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: VIRAL: Karatulang nagbabawal sa mga Pinay na pumitas ng dahon ng malunggay

Komento ng isang netizen, ito marahil ang dahilan kaya mas pinili pa niya ang umeskapo sa araw mismo ng kanyang paglaya.

Ayon sa nagkomento, “I was trying [unsuccessfully] to make an ironic comment on the Russian penal code.

“The news says that after 22 years he was going to be released on parole and sent to forced labor [probably to be worked to death].

“I don't blame him for doing a runner. I imagine 22 years in a Russian prison was hard enough time for anyone.”

Sambit naman ng isa pang netizen, “This could be the world's most pointless prison escape.”

Read: Amazing basketball journey of Dennis Schroder: Madalas ma-trade sa NBA, nawalan ng kontrata, MVP sa 2023 FIBA

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging palaisipan sa pamunuan ng bilangguan kung bakit tumakas ang isa nilang inmate gayung lalaya na ito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results