PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Artworks Worth PHP3M Abandoned by Artist

“Take the money and run.”
by KC Cordero
Published Sep 23, 2023
The blank canvas
Sa halip na idikit ang mga pera sa canvas para makalikha ng artworks, blangkong canvas lang na ipina-frame ang ipina-deliver ng artist sa museum na nangontrata sa kanya.

Ang Danish conceptual artist na si Jens Haaning ay kinontrata noong 2021 ng Kunsten Museum of Modern Art sa Aalborg, Denmark.

Ang sining ni Haaning ay nakatuon ang mga mensahe sa power and inequality.

The artist

Ang usapan nina Haaning at ng museum ay gagawa ang artist ng reproduction ng dalawa niyang naunang obra, kung saan gumamit siya ng banknotes o pera, para i-represent kung magkano ang average income sa Denmark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isang artwork ni Haaning na kanyang uulitin ay ibabatay sa An Average Danish Annual Income, ang kanyang 2007 work kung saan gumamit siya ng krone notes na idinikit sa canvas na naka-frame para makabuo ng artwork.

The 2007 artwork

"Krone” ang tawag sa pera ng Denmark.

Ang ikalawang artwork ay ginawa naman niya noong 2011 tungkol sa kita ng mga taga-Austria, at gumamit siya ng euro bills.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The 2011 artwork

Gumastos ang museum ng 61,500 euros—o PHP3,723,455.91—mula sa pondo nito para ma-recreate ang artworks.

Nagbayad din ito kay Haaning ng 40,000 krone—o PHP324,995.72 bilang professional fee.

Read: Hari ng isang tribu sa Ghana, hardinero sa Canada

BLANK CANVASES ANG IPINADALA

Nagpadala naman ng kanyang mga obra si Haaning.

Pero nang buksan na ng staff ng museum ang ipina-deliver niyang artworks, ang laman niyon ay dalawang blangko na canvas na naka-frame at may title na Take the Money and Run.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil simula na ng exhibit, inilagay pa rin ng museum ang dalawang blangkong frame sa display.

The blank canvas

Pero hiniling ng pamunuan kay Haaning na ibalik ang ibinayad dito dahil hindi naman ito gumawa ng artworks.

Tumanggi si Haaning na ibalik ang ibinayad sa kanya.

Dahil doon, kinasuhan siya ng museum.

Last September 18, 2023, inatasan ng isang korte sa Copenhagen si Haaning na ibalik niya ang perang ibinayad sa kanya ng museum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa pamunuan, hinabol nila ang ibinayad kay Haaning dahil hindi naman mayaman ang kanilang museum, at maingat umano sila sa paggamit ng kanilang pondo.

Read: Broken-hearted 17-year-old Fil-Am jumps to his death from 21st floor of five-star hotel in New York

KATUWIRAN NG ARTIST, NILABAG LANG NIYA ANG KONTRATA

Katuwiran naman ni Haaning sa isang panayam sa radyo, ang “trabaho” na ginawa niya ay kinuha niya ang pera ng museum.

Aniya, hindi iyon pagnanakaw kundi paglabag lang sa kontrata.

Pagbibigay-diin pa niya, bahagi ng kanyang trabaho ang paglabag sa kontrata.

Dagdag pa niya, “I encourage other people who have working conditions as miserable as mine to do the same.

“If they’re sitting in some shitty job and not getting paid, and are actually being asked to pay money to go to work, then grab what you can and beat it.”

Read: Canadian vlogger Kyle Jennermann now a Filipino citizen: "most important part of my life"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MUSEUM NAUUNAWAAN ANG “MESSAGE” NG BLANK CANVASES

Batay sa utos ng korte, bagaman at isosoli ang pera, babayaran pa rin si Haaning ng museum ng US$5,700 (PHP323,760) bilang artist’s fee and viewing fee.

Katuwiran ng korte, inilagay pa rin ang dalawang blangkong canvas sa Work It Out show ng museum na tumagal mula September 2021 hanggang January 2022.

Ayon naman sa mga curators ng Kunsten Museum, lubos nilang nauunawaan ang mensahe ni Haaning sa dalawang blangkong canvas nito.

"Haaning's new work Take the Money and Run is also a recognition that works of art, despite intentions to the contrary, are part of a capitalist system that values a work based on some arbitrary conditions.

"Even the missing money in the work has a monetary value when it is called art and thus shows how the value of money is an abstract quantity."

Pero ayon sa museum, dapat sinunod ni Haaning ang nakasaad sa kontrata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Scientist na-decode ang language ng mga ibon; ano ang ambag ng "giant bird mask" sa experiment?

ARTIST, “TINAMAD” PERO KUMITA

Ayon sa isang art critic na hindi na nagpakilala, posibleng tinamad si Haaning na gawin ang artworks dahil uulitin lang nito ang mga nauna na nitong nagawa.

Napag-aralan din umano ng artist kung paano ito kikita kahit walang ginawang artworks.

Alam nito na kahit blangko ang dalawang canvas, basta nilagyan nito ng title ay ikokonsidera na iyong art at gagamitin pa rin ng museum sa exhibit.

Blank canvases on exhibit

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kumita ito ng mahigit PHP300,000 dahil sa artist’s fee na iniutos ng korte sa museum na ibayad kay Haaning.

Obserbasyon ng art critic, ang naisip ni Haaning ay isang brilliant idea.

Sa pinakahuling development, sinabi ni Haaning na wala siyang pera para bayaran ang museum.

"It has been good for my work, but it also puts me in an unmanageable situation where I don't really know what to do.”

Nagastos din umano niya ang ibinayad ng museum sa suweldo ng kanyang staff.

Pero paniwala ng art critic, na kay Haaning pa rin ang mga perang dapat ay ididikit nito sa canvas, at iniingatan lang.

Posible ring in due time ay isoli niya ang pera—minus ang kanyang hindi masyadong pinagpagurang professional fee—dahil na rin sa utos ng korte.

Read: Babaeng akala ay "joke" lang ang jackpot winners sa lotto, suwerteng nanalo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa halip na idikit ang mga pera sa canvas para makalikha ng artworks, blangkong canvas lang na ipina-frame ang ipina-deliver ng artist sa museum na nangontrata sa kanya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results