Isang matandang babae na nakilalang si Merlin, 81, ang kamakailan ay tinulungan ng isang influencer para makaahon sa mabigat na sitwasyon.
Namamalimos siya sa mga lansangan.
Si Merlin ay taga-Myanmar, pero nanirahan sa Chennai, India matapos magpakasal sa isang Indian.
Dati siyang English at Math teacher sa Myanmar.
Read: Tina Dimas, may bagsak na grades, 9 years sa college, Top 6 sa board exam

Read: Carmina Caparaz, summa cum laude and topnotcher, reveals struggles with imposter syndrome
Pero nabago ang buhay niya sa India, at napilitang mamalimos para lang maka-survive nang pumanaw na ang kanyang mister at iba pa niyang mahal sa buhay.
Naiwan siyang mag-isa sa bansang banyaga sa kanya.
Minsan habang namamalimos ay nakausap si Merlin ang 25-year-old content creator na si Mohamed Ashik.
Isinalaysay niya rito ang kanyang naging journey mula sa pagiging guro hanggang maging pulubi.
Naawa si Ashik kay Merlin at nag-offer ng tulong.
Ang hiniling lang ng matandang babae sa influencer ay “one saree, one blouse, and one skirt.”
Agad itong pinagbigyan ni Ashik.
Read: Alexis Alegado, 4Ps beneficiary, Top 1 sa Civil Engineering Licensure Exam

Read: Topnotcher shares strategies to ace Licensure Examination for Teachers
Napansin din ng influencer ang pagiging fluent ni Merlin sa English language.
Nang malaman ng influencer na dati siyang English teacher, nagbigay ito ng panukala na mag-create silang dalawa ng English instructional videos na ipo-post ni Ashik sa Instagram.
Sa bawat video na kanilang magagawa, babayaran si Merlin ni Ashik.
Na-create ng influencer ang Instagram account na @englishwithmerlin kung saan inia-upload ang mga videos.
Ani Ashik, isang paraan din ito para maipagpatuloy ni Merlin ang teaching journey nito sa halip na mamalimos sa mga kalye.
Agad namang nakilala ang IG account ni Merlin. Kahit anim pa lang ang naka-upload na video, mayroon na itong 631K followers.

Read: Claire Lumbes, inakalang bagsak sa board exam; 'napaluhod sa saya' dahil Top 9 pala siya
May very touching na pangyayari pa na naganap kay Merlin.
Isang dating estudyante ang nakapanood sa isang viral video niya.
Tinawagan siya nito at muli silang nagkausap makalipas ang 15 taon.
Ibinahagi naman ng dating estudyante ni Merlin sa iba pang naging kaklase ang kalagayan ngayon ng kanilang dating teacher at marami sa mga ito ang nag-reach out sa kanya.
Ilan sa kanila ay personal pang pinuntahan si Merlin sa India.
Read: Ma. 3’shxia Domingo, regional topnotcher, naaberya sa criminology board exam dahil sa name

Read: Roderick Cajefe, nagpagawa na ng "congrats" tarpaulin bago naging topnotcher
Sa pamamagitan din ng kanyang mga dating estudyante, nailipat na rin siya sa isang home for the aged kung saan nae-enjoy niya ang buhay at hindi niya kelangang mamalimos para makakain.
Marami ang na-touch sa kuwento ni Merlin.
May mga pumuri rin sa kabutihang loob ni Ashir at ng mga dating estudyante ng teacher.
Ayon sa isang netizen, “What a beautiful outcome. This is how the internet should be used.”
Susog naman ng isa pa, “If we use social media in a correct way, this is the output, the power of social media.”
Read: Mary Grace dela Cruz, “nabudol” para kumuha ng architecture, lisensiyado na ngayon
