Time to shine na mga sintonado!
Ito ang pakulong patimpalak na inilunsad sa Negros Occidental.
Bagamat kilala ang mga PIlipino sa hilig nila sa pagkanta, pero aminin natin, hindi naman lahat ng mahilig kumanta ay mahusay kumanta.
Read: Drunk tourist destroys historic statue after 3-year restoration; repair cost is PHP1M
Ito ang nag-udyok kay Kabankalan City Vice Mayor Miguel “Migz” Zayco na ilunsad ang Search for Libagon Champion, isang online contest para sa pinakasintunado.
“Yung mga tao mahilig kumanta, may passion para sa pagkanta, Pinoy, that’s why ang ating karaoke is sikat.
"Isa sa mga favorite past times sa mga Pinoy.
“Pero sa dami-daming kumakanta, dami ding kumakanta na sintonado, pero nahihiya.
“So, kumakanta lang sa kanilang mga bahay kasi ayaw nilang kumanta sa harap ng tao kasi sintonado sila.”
Ayon pa kay Zayco, marami raw ang naka-relate, at maraming netizens ang nag-tag ng kani-kanilang mga kaibigan.
At press time, may 100 entries na natanggap ang contest, kung saan sampu ang piniling grand finalists na naglaban-laban.
Read: Haponesa, 82, naiwan sa Pilipinas noong World War II, nakauwi na sa Japan sa wakas

Ang nagwagi ay si Rona Gustilo, 29, isang OFW na nagtatrabaho sa Hong Kong.
Ginawaran siya ng tropeo at PHP5,000 premyo.
Aniya, “Happy ako kasi, syempre, nanalo. Happy ako kasi first time ko sa contest sa kantahan. Dito pa pala ako nababagay.”