Naging laman ng news reports, pati na rin sa social media, ang isang magnanakaw ng mamahaling undergarments at mga damit.
Ang suspek, isang pusa—si Cleo.
Naging tanyag si Cleo sa neighborhood ng Katy, Texas sa USA dahil sa pang-uumit ng mga damit, at inuuwi ang mga ito sa bahay ng kanyang owner, si Jean Wheat.
Sabi nga ni Jean sa report ng KENS 5, kilalang news outlet sa San Antonio, Texas, sa sobrang dami ng ninanakaw ni Cleo ay napupuno ang kanyang mga basket.
“He did bring a few T-shirts, a bikini—he brought in two in two separate days. He often brings home clean folded laundry.”
Read:
- Haponesa, 82, naiwan sa Pilipinas noong World War II, nakauwi na sa Japan sa wakas
- Drunk tourist destroys historic statue after 3-year restoration; repair cost is PHP1M


Cat owner Jean Wheat shows the bikinis that her cat Cleo stole.
Dahil sa pagiging pilyo ng alagang si Cleo, humihingi ng tawad si Jean.
“I want to apologize because some of the items he’s brought home in particular, a pair of really nice women’s shapewear, are kind of pricey.”
Ipinaalam daw ng mga kapitbahay kay Jean na pinapasok ni Cleo ang kanilang mga bahay.
“A couple of neighbors have told me that he’s climbed into their house through their window,” sabi ni Jean.
May mga video pa si Jean na caught-in-the-act si Cleo na kagat-kagat ang mga inumit na damit kapag umuuwi sa bahay.
Mismong si Jean na raw ang nagsasabi sa kanyang mga kapitbahay na nag-uuwi ng gamit si Cleo.
Sabi ng isang kapitbahay, “He took a computer mouse, still in the bag.”
RETURNING THE ITEMS
Dahil sa mga krimen ni Cleo, unti-unti siyang nakilala sa neighborhood.
Para makabawi si Jean, inipon niya ang mga inumit ni Cleo at nilabhan ang mga ito.
Nagtayo siya ng isang stand sa tapat ng bahay na humihingi ng sorry sa mga ninakawan ni Cleo.
May signage din si Cleo na nagsasabing hanapin ang kanilang damit sa basket.
Sabi ng signage, “I apologize on his behalf please look through his loot and recover your stuff.”
Pero hindi naman nainis ang mga kapitbahay na kinagiliwan pa si Cleo, na naging “most viral subject on neighborhood Facebook page.”
Sa sobrang sikat ni Cleo ay ginawan pa siya ng T-shirts, na ibininebenta para makatulong sa local shelter.
