Sold-out ang concert ng Metallica noong August 25, 2023 na ginanap sa SoFi Stadium, Inglewood, California.
Pero nagulat ang mga security sa venue nang matuklasan na bukod sa mga metalheads na nanood, may isang aso na nakakuha ng sariling upuan sa record-breaking gig.
Nakilala ang aso na si Storm.
Alaga siya ng may-ari ng bahay na malapit lang sa concert venue.
Noong una ay inakalang naiwan si Storm ng isa sa mga nanood sa concert kaya iniulat na “abandoned” ng Animal Hope & Wellness Foundation.
Dinala muna siya ng foundation sa malapit na shelter nang matapos ang concert.
Read: Meet Dalbong, the first world winner dog from the Philippines

Read: Trending #eggprank sa TikTok, delikado sa mga bata — experts
Nag-post pa ang foundation sa official Facebook nito noong August 27 ng panawagan tungkol kay Storm.
Nakasaad sa post: “We are looking for a possible foster.
“Last night at the Metallica concert @sofi, someone abandoned their pup in the middle of the stadium. The dog was sitting in a seat and was there for hours.
“He was taken to the local shelter, which at the moment we are trying to pull her from.
“Regardless of what people think, no dog should be taken to a rock concert. It was extremely loud, and that poor pup was definitely scared.
“The dog looks to be a Akita Shephard mix. Very friendly and sweet.”
Ang kakatwang insidente ay ibinahagi rin ng Metallica sa official X (formerly Twitter) account nito noong September 1.
Nag-post ang banda ng larawan ni Storm habang nasa isang upuan.
Read: Sundalo nailigtas ng mga barya sa tama ng bala

Read: Tagapagmana mas pinili ang pag-ibig kaysa milyones
Nilagyan ito ng banda ng caption na: “You might have heard we had a four-legged fan join us for #M72LA!”
Sa larawan ay makikita si Storm na very behaved na nasa isang upuan kasama ng audience.
Agad nag-viral ang naturang photo.
Tinatayang nasa 80,000 fans ang nanood sa concert.
Ayon pa rin sa tweet ng banda, “After a full night taking in the show with her #MetallicaFamily, Storm was safely reunited with her actual family the next day.
“She had a great time listening to her favorite songs, including ‘Barx Æterna,’ ‘Master of Puppies,’ and ‘The Mailman That Never Comes.’”
Napag-alamang sadya palang tumakas sa bahay ng kanyang amo si Storm, at mag-isang nagpunta sa concert venue.
Read: Street sweeper na naka-makeup habang nagtatrabaho, naokray; kumikita ng PHP80K a month sa TikTok

Read: Bakit maliit ang pagkalalaki ng ancient Greek statues?
Biro ng kanyang fur mom na si Arizbeth Hurtado, “She is apparently a huge Metallica fan who decided to sneak out for the concert!”
Nag-post pa si Arizbeth sa kanyang Facebook account ng photo nila ni Storm noong August 29, at tiniyak na ligtas at nakabalik na ang kanyang pet.
Nilagyan niya ito ng caption na: “Our baby is home and safe! Thank you, guys!
“We were laughing so hard when we saw she was sitting in an actual seat at the concert.”
Ang Metallica ay may world tour para i-promote ang 72 Seasons album nito.
