Kakaiba ang talent ng 33-year-old 3D (three-dimensional) artist na si Huang Yao ng Chenzou, China.
Ginagawa niyang optical illusions na parang kasama sa background nito ang mga puno, poste, at road signs.
Napaka-inventive ng mga obra niya!
Sa larawan sa ibaba ay ginawa niya na parang lapis na tinasahan ang isang malaking puno.
Ginawa pa niyang kulay red ang lead nito.
Read: Pretty-in-pink house, hindi inakala ng owner na magiging tambayan ng mga influencers

Read: Usa pumasok sa candy store, tumikim ng buttered popcorn
Ayon kay Huang sa panayam ng Modern Express, isang Chinese news company noong October 2022, nang magsimula siyang mag-trending sa social media, nililikha niya ang kanyang artworks hindi lang dahil gusto niyang ma-recreate ang background ng kanyang “unusual canvases.”
Ikinukonsidera rin niya ang iba pang environmental elements para makuha ang gustong resulta ng kanyang artworks.
Pinag-aaralan niya ang cloud movement, lighting, at maging ang ihip ng hangin sa lugar kung saan naroon ang bagay na pipintahan niya, kaya kailangan na perfect ang kanyang timing.
Read: Ready-made tiny house: how much, what factors to consider, what you need to know
At dahil nagagawa ni Huang ang near-perfect camouflage sa kanyang artworks, aakalaing bahagi ito ng setting.
Ang problema lang, may mga pagkakataon na ang mga taong naglalakad ay nababangga at nasusugatan.
Kagaya ng poste sa larawan sa ibaba. Sa unang tingin ay putol ito dahil nakopya ni Huang ang background na malawak na kaparangan.
Read: Teacher nag-resign sa pagtuturo para maging sirena

Read: Walang dyowa? Subukan ang “masterdating”
Bata pa lang ay nagpipinta na si Huang.
Binago niya ang kanyang style noong nagsimula ang pandemya at nagkaroon ng lockdown.
Noong 2020, habang nakatingin siya sa malawak na kabukiran at kagubatan, nagdesisyon siyang subukan ang levitation-themed optical illusions.
Read: Lalaking lasing, nakipag-bonding sa isang leon; kataka-taka, hindi siya nilapa!

Read: Teenager napatay dahil sa away sa sweet-and-sour dipping sauce
Maganda ang naging resulta ng kanyang mga unang pagtatangka, kaya nagpraktis pa siya, at kalaunan ay nag-stick na sa ganitong art technique.
Isang artwork niya ay itinayo sa concrete post, kung saan nag-drawing siya ng tigre na nakatuntong sa pundasyon, at parang may hinahabol na ibon.
Mukha namang nakalutang sa hangin ang concrete post dahil na-camouflage niya ang background nito.
Sa kasalukuyan ay nakagawa na si Huang ng mahigit 30 optical illusions na ini-upload niya sa social media—at marami sa mga ito ang pinuri ng netizens at naging viral.
Napakarami na ring YouTube channels ang nagbabahagi ng mga videos tungkol sa istilo ng kanyang pagpipinta.
Read: Message in a bottle na ipinaanod sa dagat, natagpuan after 4 years
