May unexpected visitor ang candy store: isang usa.
Nangyari ang kakatwang insidente noong August 27, 2023.
Sa isinapublikong surveillance footage ng Buddy and Howie’s Candy Store, na matatagpuan sa Ocean Shores, Washington, makikita ang usa na nasa labas ng tindahan at tila curious na nakatingin sa loob.
Read: Lalaking lasing, nakipag-bonding sa isang leon; kataka-taka, hindi siya nilapa!

Maya-maya ay kampanteng pumasok ito at pinagmasdan ang mga candy na nasa lalagyan na hugis bangka.
Inamoy nito ang mga candy, at maingat na nilibot ang hugis bangka na lalagyan.

Makikita sa video na may mga customers na kumukuha ng larawan ng usa, o nagre-record ng kanyang ginawang pagpasok sa loob ng tindahan.
Nang mapansin naman ng hayop na may mga nakatingin na sa kanya, doon na ito nagpasyang tumakbo palabas ng tindahan.

Read: Teenager napatay dahil sa away sa sweet-and-sour dipping sauce

Ibinahagi ng may-ari ng candy store na si Jennifer Strobel ang video sa Facebook Page ng tindahan.
Ang kanyang caption, “We had a special visitor come in and check out the taffy boat this morning. He approves!!!”
It was something unexpected.
Aniya pa, “He was definitely interested in the saltwater taffy. In the video, he looks like he actually snatched a piece of buttered popcorn taffy.
“I was trying my best to stay calm. It was definitely surreal.
“It was definitely a once-in-a-lifetime experience, that’s for sure.”
Ang worry lang niya, baka raw ikuwento ng usa sa mga kasamahan nito ang tungkol sa candy store at bumalik ito kasama ang mga besties.
Kaya biro ni Jennifer, “Hopefully they will just window shop and not come in.”
Read: Two babies switched at birth to be returned to their biological parents

Read: Airline crew members, umani ng batikos at sermon dahil sa "unprofessional" picture taking
Natuwa naman ang mga netizens sa nangyari.
Biro ng iba, baka akala raw ng usa, basta open ang pinto ay puwedeng pumasok ang kahit sino.
