PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Uupo, Lang at Iiyak: Cavite's Funeral Package

Netizen: "Probably the best funeral marketing line."
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Aug 27, 2023
funeral home tagline
Agaw-eksena ang isang post sa isang Facebook community dahil sa tagline ng isang funeral home. Witty ito at nag-o-offer ng all-in-one funeral service package.
PHOTO/S: @habunnyart on Twitter

All-in-one funeral package ang ibinibida ng Nazareno Tanega Funeral Home sa Cavite.

Pero higit na nakaagaw ng atensiyon ang tagline nilang “Uupo ka na lang at iiyak,” na ang ibig sabihin ay aayusin na lahat ng funeral home ang pagbuburol at pagpapalibing para hindi na ito iisipin ng mga naiwan ng pumanaw. Kaya’t uupo na lang sila at iiyak.

Ang slogan ay nakalathala sa service na nakunan ng larawan ng isang netizen at ipinost sa social media.

Isa sa nag-share ng post ay ang Klasik Titos and Titas of Manila page na may 1.1 million followers.

Ang post ay sinamahan ng caption na, “Probably the best Funeral Marketing line.”

Read: Magkasintahan, kapareho ng birthday ang kanilang newborn twins

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At bakit hindi, bagamat nakatutuwa ang tagline, hatid nito ay assurance sa mga namamatayan na wala na silang kailangang intindihin kung serbisyo ng Nazareno Tanega Funeral Homes ang kukunin.

Dahil ang “one-stop-shop funeral” na ang bahala sa lahat. Base sa tarpaulin, ang all-in-one package ng punerarya ay nagkakahalaga ng PhP15,000.

Ilan sa kabilang sa package na ito ay ang half-glass casket, candles, flowers, tables and chairs, at tent.

Maging ang isusuot ng namatay ay maaari ding i-provide ng funeral home.

Ayon sa owner na si Jaja sa interview ng Pilipino Star Ngayon Digital, “Yung tagline, last 2019, naisip ng mother ko. Like package na, from damit ng patay, embalm, tent and chairs, and other stuff.”

Ginagawa umano nila itong upang kahit paano ay maibsan ang intindihin ng mga namamatayan.

Sabi pa ni Jaja, “Maraming namamatayan na once they inquire for funeral services, hahanap pa ng ganito ng ganyan, so mababawasan yung time umiyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, naisip ng parents ko yung tagline. which is 11 yrs na talaga naming ginagawa na all-in package sa clients namin.”

Ang main office ng Nazareno Tanega Funeral Home ay matatagpuan sa Tanza habang ang branch office ay nasa Naic.

Umani ng maraming komento ang nasabing post.

Biro ng isang netizen, may kasama raw bang taga-iyak para covered na lahat.

Pero may humanga rin na sinabing hindi biro ang mag-organisa kapag nasa ganoong sitwasyon.

comment

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

comment

comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: Suspects na “ang lalakas ng loob" mang-holdap sa Cavite restaurant

FUNERAL PLANNING IN THE PHILIPPINES

Morbid para sa ilan ang mga usapan tungkol sa funeral arrangements, lalo na sa Pilipinas, pero sa isang banda ay praktikal na planuhin ito.

Sa mga nakaraang taon, unti-unting naging katanggap-tanggap sa mga tao ang pre-need funeral insurance o ang klase ng insurance na ino-offer ng malalaking funeral homes.

Dito ay puwede nang iayos ang mga detalye ng pagbuburol hanggang sa pagpapalibing, pati na rin mga bayarin, upang hindi na mamroblema ang mga maiiwanan.

At para makapagdalamhati at makapagoaalam nang maayos sa namatay na mahal sa buhay.

Tulad ng nasabi ng Klasik Titos and Titas of Manila sa caption nito tungkol sa tagline ng Nazareno Tanega Funeral Home, "may point!"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Agaw-eksena ang isang post sa isang Facebook community dahil sa tagline ng isang funeral home. Witty ito at nag-o-offer ng all-in-one funeral service package.
PHOTO/S: @habunnyart on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results