PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sundalo nailigtas ng mga barya sa tama ng bala

Nasa chest pocket ng kanyang uniform
by KC Cordero
Published Aug 24, 2023
Photos of the coins
Nakalagay ang anim na piraso ng barya sa chest pocket ng uniform ng isang sundalo. Nang barilin ito ng mga kalaban, sa mga barya tumama ang bala, kaya nagigtas siya sa kamatayan.

Limang taon na ang nakararaan, sa discussion website na Reddit, ibinahagi ni Vincent Buyssens ng Antwerp, Belgium, ang larawan ng anim na pirasong barya na pag-aari ng kanyang great grandfather na si Optatius Buyssens.

Mapapansing depormado ang mga barya.

Nakakuha noon ang larawan ng 130,000 upvotes sa loob lang ng 24 hours.

Muling nag-circulate ang larawan ngayong August 24, 2023, nang ibahagi ito ng Facebook Page na Scientify.

Read: Namatay na magkasintahan, ikinasal sa araw ng kanilang libing

Photos of the six coins

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tagapagmana mas pinili ang pag-ibig kaysa milyones

May caption ito na: “These coins kept in a pocket stopped a bullet in World War I.”

Halos ganito rin ang caption ni Vincent sa kanyang Reddit post.

Hindi nakapagtataka na patok muli ito sa netizens dahil nakapakaganda ng istorya ng anim na pirasong barya—batay na sa pananaliksik na ginawa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa artikulong inilathala ng BBC News noong November 12, 2018, nabanggit na isang sundalo si Optatius na lumaban noong WWI.

Dala-dala niya ang mga barya na nakalagay sa breast pocket ng kanyang uniform.

Kuwento ni Vincent, habang nasa gitna ng labanan ay natadyakan ng isang German soldier sa ulo ang kanyang lolo.

Pagkatapos umano ay binaril ito.

Hindi napuruhan ang kanyang lolo dahil sa mga barya tumama ang bala, pero nagpatay-patayan ito.

Makikita sa ibaba ang larawan ni Optatius noong nasa active duty pa ito.

Read: Street sweeper na naka-makeup habang nagtatrabaho, naokray; kumikita ng PHP80K a month sa TikTok

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Photo of Optatius Buyssens

Read: Bakit maliit ang pagkalalaki ng ancient Greek statues?

Ayon pa kay Vincent, "When the German soldier left, he and another wounded comrade managed to crawl to safety."

Nabanggit din niyang nalaman ng mga German soldiers kung saan nakapuwesto ang kanyang lolo at ng mga kasama nito dahil narinig ang kalansing ng mga barya sa bulsa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon naman sa tatay ni Vincent na si Philippe, apo ni Optatius, ang WWI soldier ay mayroon nang medical condition bago ito nagsundalo.

Sa katunayan, hindi agad pinayagan si Optatius na maging bahagi ng Belgian army.

Gayunpaman, nakumbinsi nito ang mga nakatataas sa Army, at pinayagang maging volunteer.

Read: Mas type nga ba ng mga babae ang matangkad na lalaki?

Naganap ang pagkakabaril at pagkakaligtas ni Optatius mula sa tiyak na kamatayan sa tulong ng mga barya noong September 26, 1914, sa Lebbeke, isang town sa Belgium.

Dagdag ni Phillippe na anekdota tungkol sa anim na piraso ng barya, "Three of the coins are from Belgium and three are from France."

Nang matapos ang digmaan, nagkaroon ng diprensiya sa puso si Optatius.

Pero nabuhay pa siya hanggang 1958, at naibahagi sa kanyang mga naging anak ang tungkol sa mga barya—na hanggang ngayon ay nagpapasalin-salin hanggang sa kanyang kaapu-apuhan.

Read: Aso, "bad influence" sa amo; drinking buddies ang dalawa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The Reddit post

Read: Oldest goldfish in recorded history, naging silver ang kaliskis after 43 years

Si Vincent, na isang digital strategist, ay umamin na hindi pa siya nagkaroon ng post sa social media na nag-trending—maliban ang tungkol sa anim na barya.

Sa ngayon ay naka-archived na ang kanyang post.

Hindi na rin puwedeng mag-post ng bagong comment dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kung nailigtas ng mga barya ang buhay ni Optatius, paalala kay Vincent ng isang nag-comment sa kanyang trending post: “Also saved your life if you think about it.”

Read: Candy Crush Saga-inspired dress may 5-digit price tag; isa rin itong bean bag na mauupuan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakalagay ang anim na piraso ng barya sa chest pocket ng uniform ng isang sundalo. Nang barilin ito ng mga kalaban, sa mga barya tumama ang bala, kaya nagigtas siya sa kamatayan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results