PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rarest Giraffe in US Zoo

Yup, "nag-iisa" lang siya sa mundo.
by Bernie V. Franco
Published Aug 23, 2023
spotless giraffe
Nagsagawa ng blood work ang zoo management nang isilang ang baby female giraffe, pero base sa test, wala itong pinagkaiba sa ibang giraffe.
PHOTO/S: Brights Zoo

Umaani ngayon ng international attention ang itinuturing na “world’s rarest giraffe” na matatagpuan sa Tennessee, U.S.

Ang giraffe—na isang babae—ay wala kasing batik at itinuturing na nag-iisa lamang sa mundo.

Isinilang ito sa Brights Zoo sa Limestone, Tennessee nito lamang July 31, 2023.

Kumbinsido naman ang giraffe experts na ang batang giraffe ay ang “only solid-colored reticulated living giraffe” sa buong mundo, ayon sa statement na inilabas ng zoo management.

Kuwento ni Tony Bright, founder ng zoo, alam niyang kakaiba ang giraffe kaya nagsagawa sila ng blood work.

Ano naman ang nadiskubre nila?

“Her numbers compared identically to the giraffe that was born two weeks prior to that, so we felt good. Each day she gets stronger,” ani Tony, ulat ng wjhl.com.

Ang giraffe ay 6-foot tall na kahit wala pa itong isang buwan mula nang isilang. Inaalagaan pa ng ina nito.

Ang Brights Zoo ay may siyam na giraffe, at wala rin daw pinagkaiba ang walang batik na giraffe pagdating sa kilos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para naman kay Tony, may advantage na isinilang sa captivity ang baby giraffe.

“In the wild, they use those spots for camouflage…By being solid colored, she may not be able to hide quite as well,” sabi ng zoo founder.

Open na rin for viewing ang baby giraffe sa Brights Zoo, na nagpa-contest pa para pangalanan ang giraffe.

Read: Expectation vs reality? Netizens on photos of Ibong Adarna: “Hindi naman pala kagandahan”

spotless giraffee

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, nabanggit din sa ulat na sinabi ng zoo leaders na may nai-record na spotless giraffe na isinilang sa Japan noong 1970s.

Ang sabi naman ni David Bright, ang zoo director, “From day one, we’ve been in contact with zoo professionals all over the country.

“And especially the old timers, that have been around for a long time, ‘Hey, have you seen this? What’s your thoughts?’ And nobody’s seen it.”

Read: Reaction of rescued chimpanzee to seeing sky for first time, priceless!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsagawa ng blood work ang zoo management nang isilang ang baby female giraffe, pero base sa test, wala itong pinagkaiba sa ibang giraffe.
PHOTO/S: Brights Zoo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results