PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Sibulan, 3-year-old Philippine eagle na na-rescue sa Mt. Apo

May tama ito ng airgun at biyak ang tuka.
by KC Cordero
Published Aug 18, 2023
The rescued Philippine eagle
Idinetalye ng Philippine Eagle Foundation kung paano na-rescue ng team nito ang sub-adult male Philippine eagle, na pinangalanang Sibulan. May tama ito ng airgun, biyak ang tuka, at ilang araw nang nakatali. (Photos courtesy of Philippine Eagle Foundation)

Nakatanggap ang Philippine Eagle Foundation (PEF) ng report noong August 11, 2023 mula sa Davao City-Public Safety and Security Command Office (PSSCO) na isang wild Philippine eagle ang nahuli sa Sitio Cabagayan, Barangay Sibulan, Toril, Davao City.

Sa ulat nina Julia Lynne Allong at Jayson Ibañez na ini-upload sa website ng PEF noong August 16, matapos makakuha ng mahahalagang detalye tungkol sa Philippine eagle at sa lokasyon nito, agad nagpadala ang team para i-rescue ang agila.

Read: Model nakipag-date "completely naked"; suot niya ay body paint

The rescued Philippine eagle

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lotto winner na PHP5.9M ang jackpot prize, tuwang-tuwa: "Matutupad ko na ang pangarap kong bahay.”

Nakarating ang PEF team sa paanan ng Mt. Apo sa Brgy. Tudaya, Digos City, bandang 11:30 a.m.

Mula roon ay sinimulan nila ang paglalakad papunta sa kinaroroonan ng Philippine eagle.

Kasama rin sa team ang mga personnel ng PSSCO, mga miyembro ng Bantay Bukid (Forest Guards), ang pinuno ng Bagobo Tagabawa community sa Mt Apo, pati na rin mga park rangers.

Narating ng composite rescue team ang Sitio Cagaya sa Sibulan bandang 2:40 p.m.

Mula roon, inakyat nila ang mas mataas na bahagi ng bundok, at narating ang bahay ng kanilang informant bandang 3:30 p.m.

Naroon din ang nakahuli sa agila na nakilalang si Jay Joaquin.

Read: Kid's writing technique earns praises from netizens

ANG SALAYSAY NG NAKAHULI

Noong gabi ng August 10, nagpapahinga si Jay at ang kasama sa panghuhuli ng palaka sa ilog nang makita niya ang nanghihinang agila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinala niya, nasilaw ito sa liwanag ng kanyang flashlight kaya hindi ito nakagalaw nang dakmain niya ito at ng kanyang mga kasama.

Iniuwi ni Jay ang agila sa kanyang bahay, at inilagay sa isang makeshift na kulungan.

Hindi muna niya ito pinakain.

Read: 32-year-old nanay namatay sa sobrang pag-inom ng tubig

The rescued Philippine eagle

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang makita ang agila, agad nagsagawa ang team ng standard restraint procedures para ma-secure ito.

Tinakpan nila ang mga mata nito ng leather hood, binalot ang katawan ng standard cloth wrap, at nilagyan ang mga kuko sa paa ng packaging tape.

Read: Magnanakaw, nakipaglaro muna sa asong bantay bago tinangay ang PHP73K na electric bike

INITIAL CHECK-UP

Matapos ang assessment sa over-all appearance nito, kasama ang mga pakpak at balahibo sa buntot, na-identify ng team na isa itong sub-adult male (about 3-4 years old).

Nagpakita rin ito ng senyales ng dehydration.

Agad nilapatan ng first aid ang agila para ma-rehydrate.

Lahat ay documented by videos and photos.

Agad na rin nilang kinuha ang agila para tuluyang malapatan ng lunas sa Davao City.

The rescued Philippine eagle

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VET'S ASSESSMENT

Idiniretso ito ng team sa clinic ng veterinarian consultant ng PEF na si Dr. Bayani (Doc Bayani) Vandenbroeck para sa full medical screening.

Kinuha rin ang body profiles ng agila. May timbang ito na 4.15 kilos—na consistent sa weight range ng isang male Philippine eagles.

Sa reevaluation na ginawa sa hugis at anyo ng mga balahibo nito sa buntot at pakpak, natiyak na ang agila ay hindi pa fully matured.

Kinunan din ito ng blood samples para sa biochemical analyses and DNA sexing.

Sa pagsusuri ng beterinaryo, wala naman itong sugat sa katawan.

Lahat nang indikasyon ay nagpapakitang in good shape ito.

Iyon nga lang, lumabas sa resulta ng X-Ray na may tama ito ng bala ng airgun, at naiwan sa left nostril nito.

The rescued Philippine eagle

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagumpay namang natanggal ang bala.

Napansin ding may biyak ang pang-itaas na tuka nito, pero hindi madetermina ng team kung ano ang naging sanhi.

May sugat din ito sa kaliwang paa, na ayon sa beterinaryo ay signs na itinali ang agila. Agad din iyong nilapatan ng lunas.

Read: Lasing na empleyado, nag-text ng thank you sa amo: “Boss, let me tell you this...”

Matapos ang pagsusuri sa agila, sinabi ni Dr. Bayani na taliwas sa sinabi ni Jay at ng kasama nito na kahuhuli lang nila sa agila, may mga indikasyon na ilang araw na itong nakakulong.

Batay rin sa mga dumi sa paa at buntot nito, sinabi ng beterinaryo na itinali sa labas ng kulungan ang agila.

Inirekomenda ng beterinaryo na dalhin ang agila sa Philippine Eagle Center para sa tuluyang pagpapagaling at rehabilitasyon.

Read: Meet Venus: Ang pusa na may dalawang mukha

Sa PEC, pinakain ang agila ng 300 grams ng juvenile white rats bilang emergency food. Inilagay ito sa isang rehabilitation cage sa raptor hospital ng facility.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sasailalim ito sa Avian Flu and New Castles Disease (NDV) screening sa mga susunod na araw, at imo-monitor ang progreso ng rehabilitasyon nito.

“Sibulan” ang ibinigay na pangalan sa na-rescue na Philippine eagle.

Read: Inakay na napulot ng magsasaka sa CamSur, isa palang Philippine Hawk Eagle

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Idinetalye ng Philippine Eagle Foundation kung paano na-rescue ng team nito ang sub-adult male Philippine eagle, na pinangalanang Sibulan. May tama ito ng airgun, biyak ang tuka, at ilang araw nang nakatali. (Photos courtesy of Philippine Eagle Foundation)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results