PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Woman's Loudest Burp Beats Record

She can also hold a burp for nine seconds long.
by Bernie V. Franco
Published Aug 9, 2023
kimberly winter
Si Kimberly Winter ay nakapagtala ng dighay na 107.3 decibels, mas maingay pa sa blender (70-80 decibels), electric handheld drill (90-95 decibels), at maging sa motorsiklo na kayang umabot ng 100-110 decibels.
PHOTO/S: YouTube (Guinness World Records) / @kimycola on TikTok

Nakapagtala ng bagong record ang isang babae sa pagkakaroon ng world’s loudest burp (female).

Iginawad ng Guinness World Records ang bagong titulo kay Kimberly Winter, 33, mula sa Maryland, U.S.A.

Sa kanyang TikTok account na @kimycola, ang pagbubuga ng malalakas na dighay ang content ni Kimberly na binansagan ang sarili bilang Burp Queen.

Dito rin siya nagsasagawa ng TikTok live para pagbigyan ang fans na gustong marinig ang dighay niya.

Umaabot ang lakas sa 107.3 decibels, na siyang nagluklok sa dalaga para maging world record holder, ulat sa Guiness World Records website nitong August 2, 2023.

Tinalo ni Kimberly ang 107-decibel burp ni Elisa Cagnoni ng Italy na naitala noong 2009.

Ang male record holder na loudest burp ay si Neville Sharp ng Australia, na nakapagtala ng 112.7 decibels burp noong 2021.

In comparison, ang dighay ni Kimberly ay mas maingay pa sa blender na may 70-80 decibels, electric handheld drill na 90-95 decibels, at maging sa andar ng motorsiklo na kayang umabot ng 100-110 decibels.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Magnanakaw, nakipaglaro muna sa asong bantay bago tinangay ang PHP73K na electric bike

kimberly winter

Si Kim habang nagpapamalas ng kanyang record-breaking burp sa isang lalaki

Live na ginawa ang record-breaking na dighay ni Kimberly sa isang American morning radio talk show.

Para mai-record ito nang maayos, ginawa ang kanyang pagdighay sa isang “dead room” tulad ng mga ginagamit sa sound recording.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago niya gawin ang kanyang makasaysayang burp, kinondisyon muna ni Kimberly ang kanyang katawan—kumain ng almusal, uminom ng kape at beer.

Ito ang mga pagkain at inumin na, ayon kay Kimberly, ay nagiging dahilan para mas lumakas ang kanyang burp.

Halos ilang linggo rin niyang sinubukan ang maraming kumbinasyon ng pagkain at inuming nakakapagpa-burp.

Read: Meet Romer Gutierrez Jazo: former seaman, waiter, bartender now manpower agency owner in the U.S.

kimberly winter

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuha ito nang i-record ang dighay ni Kim sa isang radio station para sa Guinness World Records.

Bago ibinuga ang nakabibinging dighay, humihinga muna nang malalim si Kimberly pagkatapos ay minanipulate niya ang paghinga "into something monstrous and magical.”

Sinabi pa ni Kimberly na ang spicy food, soda, at alcohol ang mga nakakatulong sa kanya na dumighay nang malakas.

BURP QUEEN

Bata pa lamang daw si Kimberly ay pansin na niyang malakas siyang dumighay.

Dumarating pa nga raw sa puntong sinasabihan siya ng kanyang mga magulang na, “Can you please shut up?”

Kuwento pa niya sa Guinness World Records YouTube video, “One time I got kicked out of the bar for burping too loud."

Nung bumili siya ng decibel meter, nakapag-record siya ng 109.7 decibel.

Kaya naman, ginamit niya ang malakas na pagdighay para sa kanyang content.

“Of course I love to surprise people with my burp. That is just magic to me. I enjoy being able to entertain may fans on TikTok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"When I go live I am able to usually fulfill any related request that they may have. I can do anything from small burps to big monster burps, closed mouth, names, ABCs..."

Nagagawa rin daw ni Kimberly na mag-burp nang matagal—up to nine seconds.

Pero aniya, “I’m not going for the long [burp], so I’m going for the loudest, and I love to be loud and proud."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Kimberly Winter ay nakapagtala ng dighay na 107.3 decibels, mas maingay pa sa blender (70-80 decibels), electric handheld drill (90-95 decibels), at maging sa motorsiklo na kayang umabot ng 100-110 decibels.
PHOTO/S: YouTube (Guinness World Records) / @kimycola on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results