Bantay ang bansag sa mga alagang aso dahil sila ang inaasahang magbabantay sa bahay mula sa mga masasamang loob at magnakakaw.
Pero paano kung si Bantay mismo ay nakipagkaibigan sa magnanakaw?
Ito ang nangyari sa pagitan ng isang Golden Retriever at magnanakaw na tinangay ang isang mamahaling electric bike sa isang residence sa San Diego, California, U.S.
Bago tangayin ng magnanakaw ang bisikleta, nakipaglaro muna siya sa bantay ng bahay.
Nag-post ng panawagan ang San Diego Police District (SDPD) via Instagram nito lamang August 4, 2023.
Humihingi sila ng tulong para tukuyin ang magnanakaw ng electric bike sa neighborhood ng Pacific Beach.
Pagdedetalye ng SPDP, “On July 15, 2023, at approximately 10:40 pm, an unknown white male suspect entered a garage in the Pacific Beach neighborhood.
“The individual made off with a 2019 black Electra 3-speed bicycle valued at approximately $1,300,” o katumbas ay PHP73,000.
“This isn't your average bike; it's distinct, featuring ‘8-ball’ caps on the tire valves, an ‘8-ball’ logo on the frame, and a rear wheel frame marked with a checkered black and white pattern," post ng pulisya.
Kalakip ng post ay ang kuhang CCTV kung paano ninakaw sa garahe ang electric bike.
Pero maging mga pulis, tila hindi inasahan ang mga sumunod na pangyayari.
Sabi sa post, “In a rather peculiar turn of events, as the suspect was about to make his escape, he paused to pet the household dog who had entered the garage.”
Tatangayin na sana ng magnanakaw ang electric bike mula sa nakabukas na garahe, nang biglang lumabas ang aso mula sa pinto ng bahay at lumapit sa magnanakaw.
Kumukumpas ang buntot ng aso, indikasyong wala itong bantang mangangagat o manghahabol.
Pumasok uli sa garahe ang magnanaw at isinandal ang electric bike, at saka nakipaglaro sa aso.
Read:
- Meet Romer Gutierrez: former seaman, waiter, bartender now manpower agency owner in the U.S.
- Jeepney driver na nakasagi ng van, binigyan pa ng bigas at groceries ng van owner


Makikitang gustung-gusto ng aso ang pag-pet sa kanya ng magnanakaw.
Umupo pa ang aso habang hinayaang kamutin siya, pagkatapos ay nahiga at hinayaang i-belly rub siya ng kawatan.
Tumayo ang aso at dinilaan ang magnanakaw (senyales ng paghalik) at ikinukumpas-kumpas ang buntot (senyales na masaya ito).
Makikita rin malaking ngiti ng magnanakaw sa malambing na aso.
Read: Bata na idol si Spider-Man, nagpakagat sa black widow spider; isinugod sa ospital

Makalipas ang ilan pang sandali, itinuloy na ng magnanakaw ang kanyang pakay: ang pagtangay sa electric bike.
Naputol ang video sa pagtakbo ng aso at pagsunod sa magnanakaw.
Inilarawan sa post ang suot ng magnakakaw: “The suspect is described as a white male, last seen wearing a blue and white hat, gray shirt, blue shorts, and orange athletic shoes. He was carrying a black and blue backpack.
“Do you recognize this person or the stolen bike? Can you provide any details that may assist in identifying the suspect? Any information, no matter how minor it might seem, could prove invaluable.”
Wala namang binanggit sa post kung sumama ba ang aso sa magnanakaw.
NETIZENS REACT
Iba iba ang reaksiyon ng netizens.
May mga nahimasmasan na hindi napahamak ang aso. Walang binanggit sa IG post na napahamak ang aso.
May mga nagbiro ring masaya ang aso na matangayan ng gamit basta lang may makalaro siya.

Sinabi naman ng ilang netizens na “worst” guard dogs ang Golden Retrievers dahil palakaibigan ang mga ito.
Wala pang update ang SDPD ukol sa nangyaring pagnanakaw.
May nagduda na mukhang kilala ng aso ang magnanakaw.


Ang ilan naman, kinukuwestiyon kung bakit hinayaang nakabukas ang garahe.
May mga nangatwiran na minsan ay may mga pagkakataong aksidenteng hindi nagsasara nang maayos ang garage door.

