PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Viral: Zoo Denies Bear is a Costumed Human

"Some people think I stand like a person."
by Bernie V. Franco
Published Aug 1, 2023
black bear in the zoo
Kinukuwestiyon ng ilang netizens ang video ng isang oso sa isang zoo sa China at sinabing isang tao raw ito na nakasuot ng costume ng bear. Isang pruweba nila ay ang kulubot sa puwitan ng oso.
PHOTO/S: Twitter (Shaoxia33139500)

Tinaasan ng kilay ng ibang netizens ang isang oso na tourist attraction sa isang zoo sa China.

Suspetsa nila, hindi ito totoong oso, kundi isang taong nakasuot lamang ng bear costume.

Paano kasi, nakunan ng video ang oso na nakatayo na parang tao habang naghihintay ng treats mula sa zoo-goers.

Katwiran pa ng ibang netizens, kitang-kita ang kulubot sa bandang puwitan ng oso na animo’y lumawlaw na costume.

Viral sa social media ang video na ito.

[twitter:

]

Sa kabila nito, naninindigan ang management ng Hangzhou Zoo na totoong Malayan sun bear ang atraksiyon nila at hindi pekeng oso!

Katuwiran pa ng zoo, ang temperatura sa araw na iyon ay nasa 40-degree Celsius at hindi matatagalan ng isang tao ang magsuot ng makapal na costume habang nasa gitna ng initan.

Pero inulat ng local news outlets sa China na may mga taong hindi kumbinsido na tunay ang black bear.

Read: Man fulfills dream of becoming a dog with realistic costume worth PHP760K

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

black bear

REAL BEAR OR FAKE BEAR?

Naglabas ng statement ang Hangzhou Zoo na kunwari ay ang osong si Angela ang nagsasalita.

Sabi ng statement, “Some people think I stand like a person. It seems you don’t understand me very well.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Katuwiran ng zookeepers, ang Malaysian sun bears ay mas maliit at iba ang itsura kumpara sa ibang uri ng oso.

Iniulat ng New York Post na nag-schedule ang zoo staff ng visit para sa reporters para personal nilang makita ang oso.

Ang sun bears ay ang “smallest bears in the world” na singlaki lang ng aso, habang ang pinakamalaki ay umaabot lamang ng 50 inches tall. Nasa nine feet naman ang taas ng ibang oso tulad ng grizzly bear.

Na-pick up ng international media ang viral video, pero sa oberbasyon, isang tunay na oso ang nasa video.

Kumbinsido rin ang maraming netizens na tunay ang oso.

Read: Ipon ng lola na PHP358K sa cardboard box, pinapak ng anay

bear in zoo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kabilang banda, may mga nakaraang insidente sa mga Chinese zoos na tinaasan ng kilay.

Noong 2019, umani ng puna ang Yangcheng Wild Animal World sa Changzhou, China, matapos sabihan ang employees nito na magsuot ng gorilla costumes, ulat ng Daily Mail.

Ikinatuwiran ng zoo na ito ay para mang-entertain lamang para sa April Fool’s Day.

Noong 2013, iniulat naman ng CNN ang isang zoo sa Luohe, Henan nang bihisan ang aso para magmukhang leon.

Kuwento ng isang bisita, nang lapitan niya at ng kanyang anak ang hayop na “African lion” daw, tumahol ang ito at hindi nag-roar tulad ng isang leon.

May iba pang hayop na “mislabeled” sa nasabing zoo.

Paliwanag naman ng park, na-substitute ang iba nilang hayop “for various unspecified reasons,” pero ibabalik din sa kanilang enclosure.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinukuwestiyon ng ilang netizens ang video ng isang oso sa isang zoo sa China at sinabing isang tao raw ito na nakasuot ng costume ng bear. Isang pruweba nila ay ang kulubot sa puwitan ng oso.
PHOTO/S: Twitter (Shaoxia33139500)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results