May kasabihang ang aso "is a man’s best friend."
Pero paano kung isang tao ang gustong maging aso?
Sa maniwala kayo at sa hindi, may isang lalaking Japanese, si Toco, na ang childhood dream ay maging aso.
At binigyang katuparan ito ni Toco sa pamamagitan ng pagpapagawa at pagsuot ng isang custom-made at realistic costume na collie, isang dog breed.
Tumataginting na higit $14,000 o PHP760,000 ang halaga ng costume na higit isang buwan ginawa bago natapos.
Ipinost ni Toco sa kanyang YouTube channel ag video na nagpapakitang suot-suot niya ang dog costume, at maasal na kagaya ng isang aso sa parke.

THE VIRAL VIDEO
Mayroon nang 3.6 million views ang video niyang ito na ipinost niya noong July 21, 2023.
Pakilala niya, “My name is Toco, I wanted to be an animal, and I became a collie.
“This time, I finally get to fulfill a dream I've had since I was a little child: turning into a dog and going for a walk outside!”
Aakalaing isa siyang tunay na aso.
Pati ang kanyang mga kilos, gaya ng paglalakad, rollover, ay kawangis ng isang aso.
Ayon sa subtitle, ginawa ang video noong 2022 para sa kanyang interview sa isang German TV program, pero ngayon lang siya binigyan ng permisong i-post.
Makikita rin dito kung ano ang reaksiyon ng ibang aso nang makita si Toco.
Nagpa-picture naman sa kanya ang mga dog owners.
Ang lumikha ng costume ni Toco ay ang Zeppet, na sinabi sa isang interview na inabot ng 40 days bago makumpleto ang costume.
“Modeled after a collie dog, it reproduces the appearance of a real dog walking on four legs,” the company’s spokesperson told news.com.au.
Marami pang sumunod na videos na suot-suot pa rin ni Toco ang costume, at hindi ipinapakita ang kanyang tunay na mukha.
Read: Ipon ng lola na PHP358K sa cardboard box, pinapak ng anay

SECRET LIFE of a "pet"
Sinabi naman ni Toco na inililihim niya ang kanyang alter ego na ito sa ibang kaibigan dahil baka ikagulat nila ito.
“I rarely tell my friends because I am afraid they will think I am weird,” aniya sa interview ng British publication na Mirror.
“My friends and family seemed very surprised to learn I became an animal.”
Hindi rin daw alam ng kanyang mga katrabaho ang kanyang hobby na ito.
“I don’t want my hobbies to be known, especially by the people I work with,” aniya sa Daily Mail.
“They think it’s weird that I want to be a dog. For the same reason why I can’t show my real face.”
Sa isa sa mga videos noong 2022, sinagot ni Toco ang ilang tanong mula sa netizens via subtitles.
“I have had a vague dream of becoming an animal since I was a child. I’ve always wanted to be an animal ever since I can remember,” aniya.
Dito niya binanggit kung sino lamang ang nakakaalam sa kanyang ginagawa.
“In the first place, I only told people who are really close to me.
“For example, if I told the people I work with that I wanted to be an animal, and I became a collie, they would look at me funny, right?
“I feel a bit of inferiority complex about it, so I rarely talk about it with others,” paliwanag niya.
