Isang lalaki na maraming ipinabago sa kanyang katawan at nababalutan na ng tattoo para magmukhang “Black Alien” ang nagsabing hindi siya matanggap sa trabaho dahil madalas siyang i-judge o husgahan ng mga tao.
Si Anthony Loffredo mula sa France ay kilala rin bilang Black Alien dahil sa dami ng kanyang body modifications.
Read: 1990s Apple shoes na ultra-rare, PHP2.7 milyon na ang presyo

Ipinahati niya ang kanyang dila. Marami rin siyang body implants.
Hindi lang ang kanyang katawan ang tadtad ng tattoo mula ulo hanggang paa—maging ang kanyang eyeballs ay may tattoo na rin.
SIKAT SA SOCIAL MEDIA, PERO...
Ang kuwento ni Anthony ay nalathala sa indy100 noong July 20, 2023.
May 1.2 million followers sa Instagram si Anthony.
Marami kasing netizens ang nagkakainteres sa walang humpay na pagmo-modify ng 34-year-old Frenchman sa kanyang katawan.
Pero sa kabila ng kanyang malaking social media following, sa totoong buhay ay maraming pinagdaraanan si Anthony dahil sa kanyang kakaibang anyo—kabilang na ang paghahanap ng trabaho.
Read: Maliit na bahay, nakatayo sa gitna ng isang freeway! Paano nangyari ito?

Sa kanyang guesting sa isang episode ng Club 113 podcast, sinabi niya na, “I can’t find a job, there’s lots of negative stuff. It could be positive because you feel better, but you have to know there’s also a dark side.”
Nag-open din siya kung paano siya itrato ng ibang tao, at kung paano mag-react ang mga ito sa kanya araw-araw.
Pagbabahagi niya, araw-araw siyang nakikipaglaban dahil araw-araw rin siyang may nakakasalamuhang ibang tao na hindi siya nauunawaan at mas gusto siyang husgahan.
“It’s life, not everyone understands everything. Like me, I don’t understand lots of things about lots of people.
“You can’t judge someone, no one knows what’s inside someone’s head, why they’re doing that, you need to talk with this person.”
Read: Real-life “Spider-Girl” hobby ang manood ng TV habang nakadikit sa dingding
GINAWANG “PROJECT” ANG SARILI NA MAGMUKHANG ALIEN
Sinabi ni Anthony na para ma-achieve ang kanyang “project” na magmukhang alien, ipinaputol niya ang dalawang daliri sa kanyang kaliwang kamay.
Ipinaalis din niya ang kanyang dalawang tainga, at ang tungki (tip) ng kanyang ilong.
Read: Gen Z intern, nag-demand ng PHP33K allowance sa 5 hours of work

Pero giit ni Anthony, siya ay simpleng normal na lalaki lang na gustong ituring ng iba bilang normal na tao.
Aniya, “I’m a normal guy, I work, I have a family. I like being looked at like a normal guy with a job, with a family, who has a friend, girlfriend, all of that. That’s what makes me normal.”
Read: Ang suwerte! First time tumaya sa lotto, naka-jackpot agad, PHP42M ang panalo
HINDI PUWEDENG SISIHIN ANG IBANG TAO
Nagbigay ng opinyon ang netizens sa hinaing ni Anthony. May nagsabing ano raw ba ang kanyang dapat i-expect sa hitsura niya ngayon?
Dagdag pa ng nagkomento, “He looks not just ridiculous but a mentally unbalanced individual. Blaming others for his unemployment status just proves his exhibitionism is more important to him than a job!”
Read: Couple, sumali sa fitness trend; achieved ang body goals sa edad na 61 at 56

May nag-reply sa komentong ito ng: “I do hope you’re not suggesting ‘mentally unbalanced’ individuals shouldn’t gain employment.”
Pero pakli ng isa pa, “I’ll be honest. I judge him. I judge him to be a bit ill.”
Pasubali naman ng isa sa problema ni Anthony, “There are plenty jobs that you can do from home these days. I wouldn’t employ him though. Life choices have consequences.”
Suhestyon ng isa pa sa mga trabahong puwede kay Black Alien, “Not as a typist, that's for sure. I suppose pianist, guitarist, in fact playing most musical instruments is out.”
Read: Nabingwit na isda, may ngipin na parang sa tao
Mayroon namang outright ang disgusto kay Anthony. “That is his own fault, doesn’t deserve a job, I certainly wouldn’t employ him!”
May ibang bagaman at binigyan ng weight ang artistic freedom ni Anthony, dapat umanong alam din niya ang kahihinatnan niyon.
Anang isa, “Anyone who can afford that much bodywork has cash to throw away. I appreciate individuality, but he's got to be smart enough to realize he'll only be welcome to work in unique environments, I wish him luck.”
Susog dito ng isa pang netizen, “I love ink and bod mods. Up to the individual on self-expression but that comes at a cost. You cannot blame others for your own decision.”
Read: YouTuber gumawa ng fully functional 8-foot iPhone 14 Pro Max
