PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maliit na bahay sa freeway nga ba?

Ang may-ari ay isang “stubborn resident.”
by KC Cordero
Published Jul 28, 2023
The tiny house surrounded by freeway
Hindi bumigay ang “stubborn resident” sa mga offer sa kanya kaya napilitan ang gobyernong ituloy ang proyekto, at iniwasan na lang ang maliit na bahay.

Hindi napuwersa ng Chinese government si Liang na mapaalis sa kanyang bahay sa Huandao Road sa Guangzhou, isang city port malapit sa Hong Kong.

Kailangan sanang ma-demolish ng developers ang bahay ni Liang para matuloy ang pagpapatayo ng freeway bridge sa lugar.

At kahit hindi pumayag si Liang, itinuloy ang proyekto at itinayo ang buong freeway bridge sa paligid ng kanyang maliit na bahay.

Read: Gay employee, nakatanggap ng compensation matapos i-out ng boss

The tiny house surrounded by freeway

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi niya tinanggap ang offer ng Chinese government dahil hindi siya mabibigyan ng replacement property sa isang location na ideal para sa kanya.

Sa ulat ng Unilad.Com noong July 8, 2023, sa kawalan ng satisfactory alternative na ma-i-o-offer sa kanya ng gobyerno, sinabi ni Liang na masaya siya na manatili sa kanyang bahay at panindigan ang matapang niyang desisyon.

Read: Gen Z intern, nag-demand ng PHP33K allowance sa 5 hours of work

MAY-ARI HINDI APEKTADO NG PALIGID

Batay sa footage na inilabas ng Guangdong TV, isang local media company, ang bahay ni Liang na tinatawag na dingzihu o “nail house” ay isang one-story home.

Ang kanyang lote ay may sukat na 40 square meters.

Maganda ang view sa kanyang maliit na bahay bago naitayo ang freeway.

Ngayon ay napapagitnaan ito ng dalawang lanes ng freeway bridge.

Ang mas masaklap, nasa gitna pa ito ng apat na lanes ng traffic.

Gayunpaman, sa panayam ng MailOnline, sinabi ni Liang na kung sinasabi ng iba na pangit ang kanyang kapaligiran, para sa kanya ay tahimik iyon, malaya, masarap, at komportable ang kanyang pamumuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ang suwerte! First time tumaya sa lotto, naka-jackpot agad, PHP42M ang panalo

TINANGGIHAN ANG OFFER

Noong 2010 ay napaulat na nagdesisyon ang mga opisyal na ang address ni Liang ay idedemolish na para itayo ang Haizhuyong Bridge.

Makalipas ang 10 taon, nakumpleto na ang tulay.

Pero hanggang ngayong 2023, hindi pa rin maisakatuparan ng Chinese government ang pagtatanggal sa “little nail house.”

Read: Couple, sumali sa fitness trend; achieved ang body goals sa edad na 61 at 56

The tiny house surrounded by freeway

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang isagawa ang demolition ay 47 bahay at pitong establisyemento ang natanggal sa area.

Ayon sa mga opisyal, ang “stubborn resident” ay binigyan ng offer na pumili sa iba’t ibang klase ng bahay na malilipatan.

Pero tinanggihan ni Liang maging ang mga kaakibat na compensation schemes ng offer.

Isang source na konektado sa proyekto ang diumano ay nagsabi sa local media na nag-demand si Liang na bigyan ito ng apat na apartment. Pero dalawa lang ang gustong ibigay ng gobyerno, kaya niya ito tinanggihan.

Read: Nabingwit na isda, may ngipin na parang sa tao

SAFE ANG BAHAY NI LIANG

Bago naman pinayagan si Liang na manatili sa kanyang nail house, tiniyak ng mga engineers na ligtas ang kanyang puwesto.

Pinag-aralang mabuti ang relevant safety issues, at nang payagan na manatili na lang siya sa lugar ay sinimulan na ang pagtatayo ng tulay.

Read: Batang Pilipina, isinusulong ng Diocese of Laoag na maging santa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The tiny house surrounded by freeway

Ang mga kapitbahay noon ni Liang na may bahay at negosyo sa Huandao Road ay pumayag lahat sa offer ng gobyerno, at lumipat na ng tirahan noong September 2019.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang mga awtoridad sa pakikipagnegosasyon sa ale na matigas ang ulo.

At habang hindi pa rin siya bumibigay, kahit kumpleto na ang freeway ay nakikipag-ugnayan pa rin ang mga opisyal sa kanya para matiyak na ligtas at secured si Liang sa kanyang nail house.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: YouTuber gumawa ng fully functional 8-foot iPhone 14 Pro Max

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi bumigay ang “stubborn resident” sa mga offer sa kanya kaya napilitan ang gobyernong ituloy ang proyekto, at iniwasan na lang ang maliit na bahay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results