PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Ronald Wayne, 3rd Apple founder who sold his shares in 1976

Mayroon sana siyang US$270 billion ngayon.
by KC Cordero
Published Jul 3, 2023
Photo of Ronald Wayne and the Apple building
Hindi passion ni Ronald Wayne ang computer at mas gusto niyang magbuo ng slot machines. Pagtatapat pa niya, hindi niya kayang makipagsabayan sa bilis at sipag nina Steve Jobs at Steve Wozniak.

Isa si Ronald Wayne sa original co-founders ng Apple kasama nina Steve Jobs at Steve Wozniak noong 1976.

Noong April 1, 1976 ay naging ka-partner si Wayne nina Jobs at Wozniak sa bagong tatag na Apple Computer Company.

Siya ang nakatoka sa administrative oversight at documentation sa bagong venture.

Pero nang maisaayos na ang mga papeles ng kumpanya, ibinenta ni Wayne ang kanyang 10 percent stake kina Jobs at Wozniak sa halagang US$800.

Read: Trending: Lalaking binalatan ang saging para makamura

The document

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: South Koreans bumata ng 1 to 2 years dahil sa bagong age system

Makalipas ang isang taon—o noong 1977—matapos ang bentahan, tinanggap ni Wayne ang US$1,500 para i-forfeit niya ang anumang posibleng future claims laban sa noon ay newly-incorporated Apple.

Matapos umalis ni Wayne sa Apple, nahawakan ni Jobs ang 65.4 percent ng noon ay newly-registered Apple Computer Company, habang 34.6 percent ang kay Wozniak.

Kung hindi binitawan ni Wayne ang kanyang 10 percent stake sa Apple, sa ngayon ang value niyon ay nasa halos US$270 billion batay sa kasalukuyang market cap ng Apple na US$2.71 trillion.

Read: Vera Files Fact-Check: Video predicting "July catastrophe" in Leyte NOT TRUE

Sa naging desisyon ni Wayne, at dahil sa naging tagumpay ng Apple, mayroon ba syang panghihinayang?

Pero chill lang si Wayne sa nangyari. No hard feelings.

Hindi rin siya nagsisisi na ibinenta niya ang kanyang shares.

Ayon sa artikulo na nalathala sa Daily Investor noong June 16, 2023, sinabi ni Wayne na ang ginawa niya ang pinaka-the best na desisyon sa buong buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong mga panahong binubuo pa lang ang Apple, malaki ang kanyang paniniwala na magtatagumpay ang Apple.

Read: Newlyweds receive PHP6M total cash, brand-new car as wedding gift

Old photo of Steve Jobs and Steve Woznia

Read: Reaction of rescued chimpanzee to seeing sky for first time, priceless!

Alam din niyang maraming challenges na pagdaraanan ang kumpanya.

At hindi handa si Wayne na suungin ang malalaking problemang posibleng makaharap ng Apple.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa halip na computers kasi, ang kanyang passion ay nasa slot machines.

Ang problema, ang pagbubuo o pagde-develop ng slot machines ay wala sa vision—o kahit sa maliit man lang na konsiderasyon—nina Jobs at Wozniak.

At dahil ang kanyang function ay administrative stuff, ayon kay Wayne, ang pinakahuling bagay na gusto niyang paglaanan ng huling 20 taon ng kanyang buhay ay magsalansan ng mga papel at dokumento sa malaking backroom office.

Read: Bilog na bilog na itlog, posibleng mabenta ng PHP51K

Inamin din niyang marami na siyang hindi naging magandang karanasan sa pagnenegosyo noong mga panahong binuo nila ang Apple.

Hindi kumita ang itinatag niyang slot machine company noong 1971.

Naging part din siya ng Atari mula 1973 hanggang 1976 bago siya napasama sa original Apple founders.

Bahagi ng kanyang desisyon na ibenta ang kanyang share, tumatanda na rin siya at hindi niya masabayan sina Wozniak at Jobs na para raw mga ipu-ipo sa bilis mag-isip at magtrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pinaghahanap: Turistang inukit ang pangalan nila ng dyowa sa ancient Colosseum

Photo of Ronald Wayne

Read: Larry Gadon tinanggalan ng Supreme Court ng lisensiya bilang abogado

Pagsasalarawan niya sa pakikipagtrabaho niya kina Jobs at Wozniak ay “having a tiger by the tail.”

Ang ibig sabihin ng idiom ay isang bagay na napakahirap i-manage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Wayne, “I couldn’t keep up with these guys.”

Makahulugan pa niyang sambit, “If I had stayed with Apple, I probably would have wound up the richest man in the cemetery.”

Ilang beses din siyang inalok ni Jobs na bumalik sa Apple, pero tinanggihan niya.

Read: Lalaking bumili ng lifetime pass sa eroplano noong 1990, sobra-sobra na ang naging biyahe

Sa tatlong original Apple founders ay si Wayne ang pinakamatanda. Eighty-nine years old na siya ngayon.

Seventy-seven years old naman si Wozniak.

Pumanaw naman si Jobs sa edad na 56 noong October 5, 2011. Kung buhay pa sana siya, 68 years old na siya, at pinakabata sa tatlo.

Interestingly, sa halip na si Wayne, si Jobs ang “richest man in the cemetery.”

Ang net worth ngayon ni Wayne ay tinatayang nasa US$400,000—na ini-enjoy niya.

Read: Lalaki nakapagtala ng bagong record sa "fastest 100 meters in high heels"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi passion ni Ronald Wayne ang computer at mas gusto niyang magbuo ng slot machines. Pagtatapat pa niya, hindi niya kayang makipagsabayan sa bilis at sipag nina Steve Jobs at Steve Wozniak.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results