PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chimpanzee's Priceless Sky Reaction

First time niya sa outside world.
by Bernie V. Franco
Published Jun 30, 2023
Vanilla chimpanzee
Sa edad niyang 29 anyos, ito ang kauna-unahang beses na makita ng rescued chimpanzee na si Vanilla ang kalangitan. Buong buhay niya ay nasa kulungan siya. (Left) Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ng alpha monkey kay Vanilla nang dumating sa sanctuary.
PHOTO/S: Save the Chimps

Maraming netizens ang naantig sa viral video ng isang female chimpanzee na si Vanilla dahil sa kanyang reaction nang makita ang kalangitan sa kauna-unahang pagkakataon.

Buong buhay ng chimpanzee ay nakakakulong lamang siya, kaya nang makalabas, kitang-kita sa mukha niya ang pagkamangha.

Si Vanilla, 29 anyos, ay survivor ng Laboratory for Experimental Medicine and Surgery in Primates (LEMSIP) sa New York, USA.

Ang LEMSIP ay isang research facility na itinayo noong 1965 na naging kontrobersiyal at ipinasara noong 1997 dahil sa kondisyon ng monkeys at chimpanzees na isinasailalim sa experiments.

Ni minsan ay hindi nakalabas si Vanilla sa kanyang five-foot-square na kulungan.

Dalawang taon lamang si Vanilla nang magsara ang LEMSIP at inilipat siya—kasama ang ibang monkeys—sa mas malaking enclosure sa California.

Subalit nagsara ito noong 2019.

Noong 2022, gumawa ng paraan ang Save the Chimps, isang 150-acre sanctuary sa Florida—para ilipad si Vanilla mula California sa sanctuary sa Florida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Scooter, World’s Ugliest Dog 2023 winner; netizens inalmahan ang contest

ARRIVING AT THE SANCTUARY

Sa short video clip na ibinahagi ng Save the Chimps, makikita si Vanilla na binati at sinabulong nang mahigpit na yakap ni Dwight, ang alpha male sa chimpanzee sanctuary.

Aakalaing matagal na silang magkakilala bagamat unang pagkakataon nilang magkita. Nakabibilib ang bond ng mga hayop.

Makikita ang malaking ngiti ni Vanilla.

vanilla the chimp

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang malaking ngiti ni Vanilla nang salubungin siya nang mahigpit na yakap ng alpha male na si Dwight sa Save the Chimps sanctuary sa Florida.

vanilla the chimpanzee

Priceless moment. The very first time na nakita ni Vanilla ang kalangitan.

Pagkatapos ay makikita siyang tumingala at hindi naitago ang pagkamangha!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iyon ang kanyang kauna-unahang beses na nasilayan niya ang kalangitan.

Sa sanctuary, kasama ni Vanilla ang 226 pang chimpanzees na nailigtas mula sa laboratories, pet trade, zoos, at entertainment industry.

Read: Story behind 3-month-old pony running along NLEX

vanilla the chimp

Hindi mapigilian ni Vanilla na laging sulyapan ang kalangitan ngayong nasa sanctuary na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS CHEER FOR VANILLA

Halatang maraming naantig na netizens nang mapanood ang video.

“Deserve!” komento ng iba matapos ang hirap na pinagdaanan ni Vanilla mula sa pagkakakulong.

“She literally says wow,” komento ng isang netizen.

“She deserves a happy life from now on,” sabi ng isang female netizen.

“Bless her soul! It’s heartbreaking to see her face. Glad she’s been rescued,” anang isa pa.

Marami rin ang nagkomento na “heartbreaking” ang kuwento ni Vanilla, subalit masaya sila na sa wakas ay puwede na siyang mabuhay nang kumportable.

comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comments

comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa edad niyang 29 anyos, ito ang kauna-unahang beses na makita ng rescued chimpanzee na si Vanilla ang kalangitan. Buong buhay niya ay nasa kulungan siya. (Left) Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ng alpha monkey kay Vanilla nang dumating sa sanctuary.
PHOTO/S: Save the Chimps
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results