Hindi tipikal na biyahero si Tom Stuker ng New Jersey.
Kung ang ibang travelers ay nakakapag-stay sa mga luxury resorts at nabibigyan ng first-class seats sa eroplano dahil sa kanilang nakolektang airline miles, kakaiba ang kuwento ni Tom, na consultant ng isang car dealership company.
READ Lalaki nakapagtala ng bagong record sa "fastest 100 meters in high heels"

Nakalipad na si Tom ng 23 million miles, na ayon sa The Washington Post ay ang pinakamaraming miles na nalipad sakay sa eroplano ng isang individual sa kasaysayan ng mundo.
READ Janitress finishes kindergarten at 42: "Pambata po yung ginagawa. Nakiki-join po ako."
PAANO ITO NAGAWA NI TOM?
Noong 1990, naglabas ang United Airlines ng advertisement para sa lifetime pass na nagkakahalaga ng US$290,000.
Kinagat ni Tom ang promo.
Ngayon, makalipas ang 33 taon, patuloy niyang ine-enjoy ang kanyang paboritong puwesto, ang seat 1B.
READ Concept shot ng artist sa Mt. Mayon at PHP100 bill, nakakabilib!

READ I.T. engineer, nag-resign sa trabaho para magtinda ng siomai; benta per day ay PHP5K
Sa ulat ng The Post, may isang pagkakataon na hindi humiga man lang sa kama si Tom sa loob ng 12 magkakasunod na araw.
Lumipad siya mula Newark patungong San Francisco, at pagkatapos ay sa Bangkok at Dubai. Nakakaalis lang siya sa kalawakan kapag nasa airport lounges.
Read: TRENDING: Sapakan ng may-ari ng Facebook at ng Twitter, ikinakasa
"BEST INVESTMENT OF MY LIFE"
Sixty-nine years old na ngayon si Tom. Ipinagtapat niya na ang kanyang frequent travels ay dahil na rin sa napakarami niyang na-accumulate na airline miles.
Aniya sa panayam ng The Post, "Best investment of my life."
Noong kinagat daw niya ang promo, naisip na niyang ang frequent-flier miles ay hindi lang isang paraan para makakuha siya ng mas maraming libreng flights. Dumating din sa puntong nagbebenta siya at nagte-trade ng miles sa iba.
May pagkakataong ginamit niya ang kanyang miles para ipagpalit sa gift cards—na ginamit naman niya para maipaayos ang bahay ng isang kapatid na lalaki.
Read: Meet Kairan Quazi, ang 14-year-old na software engineer
Naipagpalit din niya ang kanyang miles para sa US$50,000 worth of Walmart gift card, na nai-convert naman niya sa cash.
Nanalo rin siya sa auction ilang taon na ang nakalilipas kung saan nag-bid siya ng 451,000 miles para maging guest sa isang episode ng Seinfeld, sikat na TV sitcom sa States na umere mula 1989 hanggang 1998.
Nakabiyahe na rin si Tom sa mahigit 100 bansa. At kasama ang kanyang misis, nakapag-honeymoon na sila ng 120 beses sa iba’t ibang lugar.
Read: 100-year-old house of Joey de Leon’s grandfather in Bulacan preserved as cultural heritage
NAKABIYAHE NG 373 TIMES SA LOOB NG ISANG TAON
Maganda naman ang relasyon ni Tom sa United Airlines.
Nagbibigay siya ng inputs sa paggagawa ng menu sa Polaris clubs ng kumpanya.
Lagi ring may nakaantabay na Mercedes sa airport tarmac kapag may connecting flight si Tom.
Kilala na rin siya ng mga representatives sa customer service ng United Airlines.
READ Lotto winners na dalawang retirees, iingatan ang milyones
Parang fairy-tale ang nangyari kay Tom na hanggang ngayon ay tinatamasa pa niya ang mga benepisyo ng kanyang 1990s-era pass.
Aniya, ang kanyang best year ay noong 2019. Nakapag-book siya ng 373 flights at nakapagtala ng 1.46 million miles.
Kung sa panahong iyon niya binili ang mga tiket ng eroplano, tinatayang nasa US$2.44 million ang kanyang gastos sa airfare.
READ Yancy Panugon, palaki ng lolang PWD, nagtapos bilang summa cum laude
HINDI NA AVAILABLE NGAYON ANG LIFETIME PASS
At dahil madalas siyang nasa eroplano, maraming anekdota si Tom sa kanyang pagbiyahe.
May naging katabi siya sa upuan na walang dalang earphones na nakipag-usap sa kliyente nito sa buong biyahe kaya ganoon na lang ang irita niya.
Apat na beses din siyang nakasaksi na may namatay sa loob ng eroplano habang nasa itaas sanhi ng atake sa puso.
Aniya, tinatakpan lang ng blanket ang namatay na pasahero, at kinakabitan ng seatbelt dahil wala namang ibang magagawa sa bangkay.
READ Estudyanteng mahusay sa paggawa ng reels, puwedeng manalo ng PHP12K

READ Libro ibinalik sa library after 43 years; PHP17K na ang multa
Payo naman niya sa mga biyahero, laging maging mabait sa mga flight attendants.
Sa ngayon ay hindi na nagbebenta ang United Airlines ng katulad na lifetime pass.
Dahil ba ito sa naging experience nila kay Tom? Wala namang comment ang airline company.
READ Cebu Pacific ipinaliwanag ang mga dahilan sa nakansela at naantalang biyahe
