PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lola pumanaw habang pinaglalamayan

Anak, dalawang beses nag-file ng death certificate ni Lola Bella Montoya.
by KC Cordero
Published Jun 20, 2023
The wake
Matapos ideklarang patay—na naman—si Lola Bella Montoya, isinailalim siya ng health ministry ng Ecuador sa “permanent surveillance.” Dalawang beses ding nai-file ang kanyang death certificate. Babala naman ng kanyang anak, hindi na dapat maulit ang ganitong insidente.

Pumanaw na si Bella Montoya, ang Ecuadorian lola na pinaglalamayan nang biglang kumatok sa kanyang ataul, at buhay pa pala siya.

Ginulantang ni Lola Bella ang kanyang mga kamag-anak na ang buong akala ay patay na siya.

June 9, 2023, noong katukin niya ang sariling ataul kaya isinugod siyang muli sa ospital.

June 16 ay tuluyan na siyang nagpaalam.

The wake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ What you should know about personal data of dead Facebook users

Kinumpirma ng health ministry ng Ecuador ang pagkamatay ni Lola Bella sanhi ng ischemic stroke matapos ang isang linggong pamamalagi sa intensive care unit.

Idinagdag ng health ministry na mananatiling nasa “permanent surveillance” si Lola Bella para makasigurado.

Pero hindi na nagbigay ng iba pang impormasyon tungkol sa kakatwang sitwasyon.

READ Babae, nag-request sa graphic designer na alisin ang 'trash lady' sa picture, ano’ng naging resulta?

Sinabi ng anak ni Lola Bella na si Gilberto na wala pa silang natatanggap na medical explanation mula sa mga awtoridad.

Samantala, nagbuo ang health ministry ng technical committee para repasuhin ang mga proseso kung paano nag-i-issue ng death certificates ang mga ospital sa Ecuador.

READ Binatang taga-Laguna, wagi ng PHP55M sa lotto; ipagagamot ang maysakit na parents

The wake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Mascot naospital matapos sapakin ni ex-UFC champ Conor McGregor

Ani Gilberto, hindi na dapat maulit ang ganitong pangyayari na may idineklarang patay na pero buhay pa pala.

Dalawang beses kasi siyang nagparehistro ng pagkamatay ng kanyang ina sa kanilang local registry office.

Naghain na rin ng reklamo, ayon kay Gilberto, ang isang kapatid na babae ng kanyang ina tungkol sa insidente.

Gusto rin ng kanyang tiyahin na malaman ang identity ng doktor na nagdeklarang patay na ang kanyang ina.

Ginanap naman ang “ikalawang lamay” ni Lola Bella sa parehong punerarya kung saan naganap ang kakatwang pangyayari.

Ayon kay Gilberto, ililibing ang kanyang ina sa isang public cemetery.

Read also: Milyong piraso ng sentimo circa 1980s, natagpuan sa basement ng lumang bahay

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ideklarang patay—na naman—si Lola Bella Montoya, isinailalim siya ng health ministry ng Ecuador sa “permanent surveillance.” Dalawang beses ding nai-file ang kanyang death certificate. Babala naman ng kanyang anak, hindi na dapat maulit ang ganitong insidente.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results