PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lotto jackpot winner, hindi pa alam ang gagawin sa kanyang milyones

Suwerte talaga dahil bihira siyang tumaya sa lotto
by KC Cordero
Published Jun 8, 2023
Isang taga-Quezon City at isang taga-Cebu City ang naghati sa PHP82M sa Lotto 6/42 draw noong April 18, 2023. Ang ginang na nagwagi (nasa larawan) ay bihira palang tumaya sa lotto. Si PCSO General Manager Melquiades A. Robles ang nag-abot ng kanyang napanalunan.

Dalawang lotto players ang naghati sa jackpot prize na PHP82,139,803.60 para sa Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola noong April 18, 2023.

Ang isang masuwerteng bettor ay nagmula sa Cebu City.

Taga-Cubao, Quezon City naman ang isa pa.

Pareho silang nagwagi sa pamamagitan ng lucky pick, na may winning combination na 42-21-01-36-23-37.

Read also: Eligible Filipinos puwede nang bumiyahe sa Canada kahit walang visa

The Cebu City winner

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Ilang nangutang sa online lending apps, pinadalhan ng korona ng patay at ataul

tatlong dekadang tumaya bago nanalo

Kuwento ng taga-Cebu City, dalawang lucky pick ang kanyang tinayaan na nagkakahalaga ng PHP40.00 sa isang lotto outlet malapit sa Cebu South Bus Station.

Aniya, matapos ang halos tatlong dekada ng pagtaya sa lotto, sa wakas ay natiyempuhan din niya ang jackpot prize.

Pagbabahagi pa ng bagong milyunaryo, "May mga pagkakataong tumatama ako, pero three to four digits lang.

“Noon pa man, naniniwala na talaga ako na totoo po ang lotto at bukod doon, alam ko rin po na sa charity napupunta ang parte ng nagiging benta nila.”

Payo niya sa ibang lotto bettors, “Sa mga patuloy na tumataya, huwag po tayong mawalan ng pag-asa. Ibibigay po ni Lord kung para sa atin talaga.”

Read also: BSP naglabas ng kauna-unahang colored commemorative coin set

Ticket of Cebu City winner

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Finally, DOH may kalihim na; Gibo Teodoro balik-DND

Gagamitin naman umano niya ang napanalunan sa iba’t ibang investments and start-ups.

nanalo kahit bihirang tumaya

Ang isa pang masuwerteng nanalo ay ang 46-year-old na maybahay na taga-Quezon City.

Read also: “Smiling lessons” inio-offer para sa mga nakalimutan na ang pagngiti dahil sa facemask

The Quezon City winner

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read also: Photographer sa wedding, hinihingan ng refund matapos maghiwalay ng kanyang clients

Aniya, paminsan-minsan lang siyang tumataya sa lotto sa loob ng sampung taon.

Bukod sa isang lucky pick na naghatid sa kanya ng milyones, may dalawang kumbinasyon pa siyang tinayaan.

Sa panayam sa kanya ng PCSO, sinabi niyang hindi pa niya alam kung ano ang gagawin sa kanyang napanalunan.

Napakalaki umano, kaya pag-iisipan pa niya.

Ang sigurado pa lang niya sa ngayon ay ilalagak sa bangko ang bahagi nito.

Gagamitin din umano niya sa tama ang kanyang pera dahil para sa kanya ay biyaya ito ng Diyos.

Read also: Google ide-delete ang Gmail accounts na 2 years nang inactive

Ticket of Quezon City winner

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: After 28 years ng pagtaya, Zamboangueño na-lucky pick ang PHP21M SuperLotto jackpot prize

"Payo ko po sa mga kagaya kong tumatangkilik sa mga palaro ng PCSO ay patuloy lang po tayo sa paglalaro ng lotto dahil may pag-asang maging milyonaryo.

“At malaki po ang naitutulong natin sa ating mga kababayang may sakit.”

Nag-claim na ang taga-Cebu City ng kanyang premyo noong May 8, samantalang May 9 naman kumubra ang taga-Quezon City sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City.

Read also: Artwork tinawag na pangit, “sinunog” ng kliyente; painter inulan ng blessings

mga paalala sa pag-claim ng premyo

Samantala, sa ilalim ng Republic Act No. 1169, ang mga lotto winners ay may palugit na isang taon mula sa petsa kung kailan binola ang kanilang napanalunan para makuha ang kanilang premyo.

Kung hindi makuha sa itinakdang palugit, magiging forfeited ang premyo at ilalagak ito sa PCSO Charity Fund.

Ipinaaalala rin ng PCSO na ang premyo na mahigit sa PHP10,000.00 ay kakaltasan ng 20 percent alinsunod sa TRAIN LAW.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para ma-claim ang jackpot prizes, ang mga winners ay kailangang isulat ang kanilang pangalan sa likod ng winning tickets at lagdaan.

Kailangan din nilang magpakita ng dalawang (2) valid government IDs sa PCSO Main Office.

Read also: "Transformers" statues na naging tourist attraction, pinatanggal ng mga kapitbahay

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang taga-Quezon City at isang taga-Cebu City ang naghati sa PHP82M sa Lotto 6/42 draw noong April 18, 2023. Ang ginang na nagwagi (nasa larawan) ay bihira palang tumaya sa lotto. Si PCSO General Manager Melquiades A. Robles ang nag-abot ng kanyang napanalunan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results