PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Smiling Lessons: Reviving Forgotten Smiles

Patok ngayon sa Japan
by KC Cordero
Published Jun 5, 2023
People wearing facemask, students learning how to smile again
Marami na ngayon ang nakalimot ngumiti dahil nasanay nang naka-facemask. Sa Japan, may smiling school na nagtuturo kung paano matututo na muling mag-perfect smile ang mga tao.

Nag-a-attend ngayon ng “smiling lessons” ang karamihan sa mga mamamayan ng Japan na nasanay nang naka-facemask noong kasagsagan ng pandemya.

Ginagawa nila ito para matuto sila na muling ngumiti.

Ang pagsusuot ng facemask ay ordinaryo lang sa Japan kahit noong wala pang pandemya para makaiwas sa seasonal illnesses at hay fever.

Pero naging mas official na kautusan ito ng kanilang pamahalaan nang dumami na ang kaso ng COVID-19 at sobrang lala ng outbreak.

Walang lumalabas sa mga Japanese sa mga pampublikong lugar nang hindi naka-facemask mula noon.

Student practicing how to smile

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang sa wakas ay tanggalin na ng Japanese government ang rekomendasyon sa pagsusuot ng facemask noong March 23, 2023, isa si Himawari Yoshida, 20 years old, sa naka-realize na nakalimutan na ng mga Japanese ang pagpapatuloy ng buhay nang hindi nakasuot ng facemask.

Read: TRENDING: Dam pina-drain para makuha ang phone na nahulog habang nagse-selfie

Aniya, hindi niya nagagamit ang kanyang facial muscles noong panahon ng pandemya.

Isa siya sa nakalimot na kung paano ang ngumiti. Nag-enroll siya sa smiling lessons.

Kalaunan, na-hire siya bilang "smile instructor."

Maganda aniyang pagsasanay ang kanyang pagiging smile instructor lalo na pag sumabak na siya sa paghahanap ng mas malaki ang kita na trabaho later on.

Ang kanyang employer ay si Keiko Kawano.

Si Keiko ay dating radio host.

Nagsimula siyang magturo kung paano ngumiti noong 2017.

Nakapag-train na siya ng 23 smiling coaches para palaganapin ang mga benepisyo at technique kung paano magpakawala ng perfect smile.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Photo of Keiko Kamano

Naging trademark ni Keiko ang "Hollywood Style Smiling Technique," kung saan ine-execute ang crescent eyes, round cheeks at porma ng mga gilid ng bibig na kita ang mga ngipin sa itaas.

Ang mga estudyante ay pinaghahawak ng salamin para makita sa kanilang repleksyon kung perfect na ang kanilang smile.

Kabilang sa mga ehersisyo na itinuturo sa mga gustong matuto na muling ngumiti ang pagharap sa salamin at pagkatapos ay ii-stretch ang magkabilang gilid ng kanilang bibig gamit ang mga daliri.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Surgeon nagpatulong sa janitor na putulin ang hinlalaki sa paa ng pasyente

Mula nang simulan ni Keiko ang pagtatayo ng kumpanyang Egaoiku—na literal na nangangahulugan ng "Smile Education" ay tumaas na ng apat na beses ang demand para sa smiling lessons sa Japan.

Ang one-on-one sessions ay nagkakahalaga ng 7,700 Japanese yen o PHP3,086.89.

Student practicing how to smile

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Keiko, may malaking pangangailangan para sa mga mamamayan ng Japan na muling ngumiti.

Importante aniya ang pagngiti lalo pa at dumarami na muli ang mga turista sa kanilang bansa.

Naniniwala rin siya na ang mga Japanese nationals ay hindi gaanong mahilig ngumiti kumpara sa mga Westerners dahil sa kanilang sense of security bilang isang island country—na mas pinalala pa ng ipinatupad na palagiang pagsusuot ng facemask.

Paliwanag pa ni Keiko, batay sa kultura, ang ngiti ay nangangahulugan na walang dalang armas at hindi isang banta ang taong nag-smile.

Dapat din aniyang matutong ngumiti ang mga Japanese para magkaroon ng magandang komunikasyon at impresyon sa mga turista.

Sa isinagawang poll ng public broadcaster na NHK noong May 2023, nagpapakita na 55 percent ng Japanese people ang patuloy na nagsusuot ng facemask kahit pa hindi na ito ipinatutupad ng kanilang pamahalaan.

Nasa eight percent lang ang huminto na sa pagsusuot nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman sa ulat pa rin ng NHK, karamihan sa mga kumukuha ng smiling lessons ay nakasuot pa rin ng facemask.

Ani Keiko, nasanay na kasi ngayon ang mga tao, lalo na ang mga kabataan, sa buhay na naka-facemask.

Madali aniya para sa mga babae na lumabas ng bahay kahit walang makeup, at sa mga lalaki kahit hindi nakapag-ahit basta naka-facemask.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami na ngayon ang nakalimot ngumiti dahil nasanay nang naka-facemask. Sa Japan, may smiling school na nagtuturo kung paano matututo na muling mag-perfect smile ang mga tao.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results