PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Phone Dropped During Dam Selfie

Nag-power on pa kaya nang makuha?
by KC Cordero
Published Jun 1, 2023
Rajesh, the dam and the phone
Nasayang ang dalawang milyong litro ng tubig sa dam na kinailangang i-drain para lang makuha ang phone na nahulog. Katwiran ng may-ari ng phone, may laman ang unit na sensitive government data. Dalawang buwan pa lang din ang nakararaan mula nang bilhin niya ang phone. Worth it kaya ang naging desisyon na itapon ang napakaraming tubig?

Nag-trending ang Indian food inspector na si Rajesh Vishwas, 32, matapos niyang ipag-utos na i-drain ang tubig sa Kherkatta Paralkot reservoir noong May 21, 2023.

Nahulog kasi sa reservoir ang kanyang Samsung S23 phone na nagkakahalaga ng Rs 96,000, o PHP65,236.82.

Ang insidente ay iniulat ng The Times of India.

Kumukuha si Rajesh ng selfie nang aksidenteng mabitawan niya ang phone, na bumagsak sa tubig.

Read also: Bacolod Masskara dancers, first time magtatanghal sa New York

Photo of Rajesh

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Paano ang tamang paggamit ng electric fan?

Kasama niya noon ang mga kaibigan para mag-picnic.

Ang lalim ng imbakan ng tubig ay 15 talampakan.

Nag-panic si Rajesh at agad tumawag sa Irrigation Department.

Pinagplanuhan nila kung paano makukuha ang phone.

Inatasan muna ang mga divers na hanapin ang phone, na ayon kay Rajesh, ay nagtataglay ng sensitive government data.

Read also: May stress at kamalasan sa buhay? I-try ang malachite gemstone

Nang hindi ito makita ng mga divers, ikinasa ang isang 30-horsepower pump na pinaaandar ng diesel para limasin ang tubig sa reservoir.

Tatlong araw ang naging operasyon bago tuluyang nasaid ang tubig.

Tinatayang nasa dalawang milyong litro ng tubig ang nalimas.

Magagamit sana ito sa irigasyon para sa 1,500 acres of land, ayon sa local media na India Today.

Read also: Gobyerno naglunsad ng libreng diyaryo, The Philippine Gazette

The dam

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Motorsiklo vs. kalabaw; pulis patay sa banggaan

Pero ipinagtanggol ni Rajesh ang kanyang naging desisyon.

Sinabi niyang hindi naman puwedeng gamitin sa irigasyon ang tubig sa reservoir.

Nakakuha rin umano siya ng permiso mula sa isang senior official para tanggalin ang tubig.

Sa panayam sa kanya ng India Today, iginiit ni Rajesh na ang mga villagers din ang nagpumilit na makuha mula sa reservoir ang kanyang phone.

Umabot din lang aniya sa Rs 7,000-8,000 (PHP 5,436.40) ang nagastos para makuha iyon.

Iyon nga lang, ayaw nang mag-power on ng kanyang phone.

Dismayado si Rajesh dahil aniya ay dalawang buwan pa lang niyang nabibili ang kanyang phone.

Read also: First thing to do ng Super Lotto 6/49 jackpot winner: 'Magbabayad ng utang'

The phone

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read also: First thing to do ng Super Lotto 6/49 jackpot winner: 'Magbabayad ng utang'

Dahil sa kanyang naging aksiyon, sinuspindi siya ng kanyang ahensiya matapos mabatikos dahil sa dami ng tubig na nasayang.

Ang India ang isa sa mga bansa sa buong mundo na malaki ang pangangailangan sa supply ng tubig.

Mataas din ang temperatura sa India na nagiging sanhi ng kakapusan sa tubig, pagkatuyot ng mga pananim, forest fires, at nagreresulta rin sa mga brownouts.

Read also: Meet Girlie, ang 43-year-old Philippine eagle sa Quezon City

Pinagbabayad naman ng Water Resources Department si Rajesh ng Rs 53,092 (PHP36078.68) bilang multa sa kanyang ginawa.

Ayon sa ahensiya, bukod sa nasayang ang tubig, ilegal din ang naging aksiyon nito at may katapat na kaparusahan sa ilalim ng Irrigation Act ng India.

Kailangan daw niyang magbayad sa loob ng 10 araw.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad para alamin kung sino ang mga opisyal na pinayagan si Rajesh na i-drain ang reservoir.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napag-alaman ding hindi ito ang unang pagkakataon na nasuspinde si Rajesh—una ay noong 2021 dahil sa umano “misconduct” sa pamamahagi ng bigas.

Read also: Why Maria Clara at Ibarra remains #1 on Netflix; How much is production cost of Voltes V?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasayang ang dalawang milyong litro ng tubig sa dam na kinailangang i-drain para lang makuha ang phone na nahulog. Katwiran ng may-ari ng phone, may laman ang unit na sensitive government data. Dalawang buwan pa lang din ang nakararaan mula nang bilhin niya ang phone. Worth it kaya ang naging desisyon na itapon ang napakaraming tubig?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results