Kung ang kapitbahay mo ay may display na statues ng Transformers robots sa harap ng bahay nito, isa ka ba sa magpoprotesta para tanggalin ang mga ito?
Noong January 2021, ang Georgetown University neuroscience professor na si Dr. Newton Howard ay nag-install ng lifelike figures nina Optimus Prime at Bumblebee sa labas ng kanyang row house, sa Georgetown, District of Columbia.
May kinomisyon siyang artist, na binuo ang mga Transformers mula sa mga piyesa ng mga lumang sasakyan.
Read also: VIRAL: Korean opens emergency exit door during flight

Bilyonaro si Dr. Howard.
Kabilang sa kanyang research ang paghahanap ng lunas para sa Parkinson’s disease at Alzheimer’s sa pamamagitan ng technology.
Marami rin siyang patents at private investments.
Naniniwala si Dr. Howard na malaki ang ambag ng mga makinarya sa mundo.
Aniya sa isang panayam, “They represent the coalition of men and machines, working in harmony, but as distinct entities.
“We create robotic and prosthetic arms, and all of these things to compensate for damage. That does not make us robots.”
Read also: VIRAL: Korean opens emergency exit door during flig
NAGPROTESTA ANG MGA KAPITBAHAY
Gayunpaman, kahit tanggap ng mga kapitbahay ang pananaw ni Dr. Howard tungkol sa machinery, ayaw ng mga ito na maging bahagi ang kanyang Transformers statues sa kanilang neighborhood.
Noong una kasi, inakala ng propesor na dahil nagtatanim ang kanyang mga kapitbahay sa bakuran ng mga ito ng halaman, wala namang magiging isyu kung robot ang kanyang ilagay sa kanyang sariling spot.
Pero nagkamali siya. Hate na hate ng mga ito sina Bumblebee at Optimus Prime.
Ang statue ni Optimus Prime ay may sukat na 10 feet, habang six feet naman si Bumblebee.
Read also: Paano ang tamang paggamit ng electric fan?

Read also: May stress at kamalasan sa buhay? I-try ang malachite gemstone
Noong April 2021, isinampa ang dispute sa Old Georgetown Board, isang maliit na federal unit na kayang desisyunan ang mga lilitaw na kaguluhan sa district.
Ni-reject ng mga miyembro ng board ang mga Transformers statues, at binigyan si Dr. Howard ng anim na buwang palugit para tanggalin ang mga robot.
Pero may pagkapasaway si Dr. Howard. Sa halip na sumunod sa kautusan, pinalitan niya ang Optimus Prime ng mas malaking version nito.
Ang maliit ay inilagay naman niya sa kanyang bubong.
Mula noon, maraming nakiki-usyoso sa kanyang Transformers statues na taga-ibang lugar—na lalong ikinagalit ng kanyang mga kapitbahay.
Read also: Filipino restaurant in Chicago gets Michelin Sta
TRANSFORMERS NAGING TOURIST ATTRACTION
May karapatang magalit ang mga kapitbahay ni Dr. Howard dahil ang halaga ng average house sa naturang kalye ay nasa US$2 milyon, o PHP112.59 milyon.
Katwiran pa nila, hindi angkop ang mga robots sa aesthetic ng kanilang neighborhood.
Read also: Mushroom coffin, patok ngayon; may urn para sa mga gusto ng cremation

Read also: Mushroom coffin, patok ngayon; may urn para sa mga gusto ng cremation
Reklamo ng isang kapitbahay, madalas na may motorcycle gangs na nagpupunta roon at nakaparada sa gitna ng kalye habang nagpapakuha ng mga litrato ng robots.
Bukod pa sa ibang sasakyan na nakiki-usyoso rin, minsan ay may mga tour buses. Masikip na nga ang kalsada, hindi pa magamit ang bangketa sa dami ng tao.
Nagagalit din umano ang mga dayo kapag sinasaway ng mga residente sa pagse-selfie sa mga robot.
Gayunpaman, may ilan ding kapitbahay na nagsasabing okey lang naman ang sitwasyon at hindi nakakasira sa buhay nila ang Transformer statues ni Dr. Howard.
Ikinokonsidera rin ng mga residente na estudyante ng Georgetown University na ang mga robots ay “of profound public importance.”
Wala umanong dahilan para i-evict ang mga robot na hindi naman gumagalaw.
Read also: Motorsiklo vs. kalabaw; pulis patay sa banggaan
TRANSFORMERS EVICTED
Noong May 26, 2023 ay nagdesisyong muli ang board at inatasan si Dr. Howard na tanggalin ang mga robots.
Ni-require rin siya na kumuha ng hiwalay na permit para payagang naka-display ang mas maliit na Optimus Prime sa bubong ng kanyang bahay.
Sinabi ni Dr. Howard na hindi pa tapos ang laban, at dadalhin sa korte ang isyu.
Sa panayam sa kanya ng The Georgetown Voice, ang student-run newsmagazine ng Georgetown University, noong May 4, sinabi ni Dr. Howard na ang pagdi-display niya ng Transformers ay isang freedom of expression sa kanyang property.
May malalim aniya itong kahulugan, at naniniwala siyang may karapatan siyang makipag-communicate.
Aniya, “One should not be told what to do in his own house, right? The Transformers stand for transforming, for changing things, and I’m all about change.”
