PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Story behind 3-month-old pony running along NLEX

Animo'y nag-marathon dahil 7 kilometers ang layo ng tinakbo.
by Bernie V. Franco
Published May 24, 2023
horse nlex and horse and pony
"Horsepower!" Paano napadpad ang isang maliit na kabayong si Trixie sa kahabaan ng North Luzon Expressway noong May 19, 2023? Kamusta siya ngayon? Here is the update.
PHOTO/S: Nicomedes Halili and Kenneth Kurt Soriano Villarica

Hindi araw-araw ay makakakita ng isang kabayo na tumatakbo sa kalagitnaan ng isang major thoroughfare at nakikipagkarera sa mga PUVs, bus, truck, at iba pang uri sasakyan.

Kaya viral agad ang video ng kabayo—isang bisiro—na nakunang tumatakbo sa North Luzon Expressway (NLEX) gabi ng Biyernes, May 19, 2023.

horse and pony

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapalitan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pamangkin ng may-ari ng bisiro nitong Martes ng gabi, May 23, 2023.

Ikinuwento ni Kenneth Kurt Soriano Villarica, 23, isang dog trainer at dog whisperer, na three months old ang bisirong si Trixie.

“Sa nangyari po sa kanya, napalitan na po ng NLEX or Express,” ani Kenneth pagtukoy sa pangalan ng bisiro.

“Ilan dekada na po kami nag-aalaga [ng mga kabayo], ngayon palang po talaga nangyari ito."

Ang tiyuhin ni Kenneth ang nagmamay-ari ng bisiro at ng nanay nito.

“Kutsero po tito ko sa pangangalesa po sa siyudad po ng San Fernando at pang-karo din po.”

Si Kenneth ay may alaga ring isang kabayo. Tatlo lahat ang kabayo.

READ:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano napadpad si Trixie sa NLEX?

Ang kuwadra kasi ng tatlong kabayo ay nasa ilalim mismo ng NLEX.

“Kasi bisiro pa po, hindi pa po siya puwedeng itali talaga, kaya nakakawala lang po sa kuwadra at nasunod lang po sa nanay niya.”

May posibilidad daw kasi na mabigti ang bisiro kung itatali.

horse

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang three-month-old pony na si Trixie kasama ang kabayo ni Kenneth na nakahiga (background) sa kuwadra, na nasa ilalim mismo ng NLEX.

“Habang nakatali nanay niya, parang gumala po siya sa paligid ng gabi.

“Tapos nung wala na makita damo sa baba, umakyat sa itaas ng NLEX dahil may pagkain at damo po dun.”

Sa report ng News5, inilarawan ni Robin Ignacio, senior manager for Traffic operations ng NLEX/SCTEX, kung paano nakalusot sa harang ang bisiro at napunta sa NLEX.

“Nakita na yung fence, nagkaroon ng maliit na breach. Medyo natumba, nag-lean yung fence namin doon. At doon nakalusot yung maliit na kabayo,” ani Ignacio.

CATCHING THE PONY

At dito na nga nakita at nakunan ng video ng ilang netizens ang tumatakbong bisiro.

Umabot ng pitong kilometro ng itinakbo nito bago nahuli ng NLEX personnel.

Sabi ni Kenneth, “Nung kinuha po namin siya ng gabi sa Barangay Sta. Monica, San Simon, pawis na pawis po at masakit po paa kasi tumakbo po siya ng nasa 7km.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nasa around 12:30a.m. na po namin siya nakuha nun.”

horse and NLEx personnel

Nang mahuli ng NLEX personnel ang pony na si Trixie

“Yung nalusutan po niya na bakod, inayos po kaagad ng pamunuan po ng NLEX para hindi na makalusot at maulit po.”

Napagdesisyun daw nina Kenneth na itali na ang bisiro para hindi na maulit ang pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon po ayos na po lagay niya,” paniniyak ni Kenneth.

horse and pony

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Horsepower!" Paano napadpad ang isang maliit na kabayong si Trixie sa kahabaan ng North Luzon Expressway noong May 19, 2023? Kamusta siya ngayon? Here is the update.
PHOTO/S: Nicomedes Halili and Kenneth Kurt Soriano Villarica
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results