Hindi lahat ay natuwa sa viral video ng isang tricycle na makikitang bumabaybay sa kalsada nang walang driver.
Imbes na nakaupo sa driver's seat, ang driver ay katabi ng kanyang babaeng pasahero sa passenger seat ng tricycle. Hawak ng driver ang manibela gamit ang kaliwang kamay, habang naka-akbay sa kanya ang sakay nitong babae.
Sa background ng video, maririnig ang boses ng kumukuha ng video na, “Sana all, ‘pre.” Naghihiyawan naman ang mga kasama nito na animo ay kinikilig sa eksena sa sinusundan nilang tricycle.
Ang video ay ipinost ni Gerald Gaspar ng EmptyDiskTv, at mayroon na itong 2.3 million views, 41,000 reactions, at 3,200 comments.
Read:
- Pinoy-made jetcars o jetskis na pormang posh cars, likha ng isang chef sa Bulacan
- LTO, kapos sa plastic cards; gagawing resibo muna ang temporary driver's license
SAMU’T SARI ANG COMMENT NG NETIZENS
Sa comments section ay iba-iba ang nakuhang reaksiyon ng video mula sa mga netizens.
Marami ang napa-"sana all" tulad ng kumukuha ng video, at ang iba ay nag-tag pa ng mga pangalan ng kanilang sinisinta o mga kakilalang may jowa.
“kung di ganito, wag na lang haha????”
“kung hinde ganto yung love language nya wag na lang”
“Dagdag mo sa couple goals niyo ng bebe mo”
“sana ganto kadin”

Mayroon din namang mga kinilig (published as is):
Sabi naman ng isang netizen, “Nasa tricyle driver are [ang] true love”
May nagsabi din ng, “Sheeesh, Ang clingy naman ni manong.”

Narito pa ang ilan sa mga nakakatuwang comments:
“wow grabi pagmamahalan:) ayaw maghiwalay”
“another gold from the Philippines this time in driving while loving loving."
May ilan naman na sineryoso ang sitwasyon at nagkomento ng pagkabahala dahil sa posibleng panganib na hatid ng ginawa ng driver.
Narito ang iba pang mababasa sa comments section ng video (published as is):
“Yan ang literal na till death do as part”
“Hanep ah multi task si idol, LTO is waving.”
“Reckless Driving siguro to sa LTO pag nagkataon. Pero oks lang yun atleast magkasama pa rin kayong mahuhuli if ever. Stay sweet lovebirds”
“Sana Makita Ito Ng LTO para mabigyan Ng pait Yong ginawa nito Kasi subrang tamis na eh Baka makadamay pa Ng IBA at madisgrasya. tangal license mo Jan haha”

“Kasama kang bumangga ”
“Panis ang Stairway to Heaven sa Highway to Heaven.”
“tapos kung nadisgrasya mgkatabi din ang libing?”
Mayroon pang nagkomento na, “Hmmm, maka daan nga bigla sa daan,” kalakip nito ang picture ng puting aso.

Sa ilan pang comments ng netizens ay makailang ulit na nabanggit ang Land Transportation Office (LTO).
Karamihan sa mga ito ay concerned na isang uri ng “reckless driving” ang ginawa ng driver at maaari itong mapatawan ng penalties at fine base sa mga existing laws.
Ayon sa noypigeeks.com, “Reckless drivers who don’t practice safe driving may face a fine of up to PHP10,000 and will have their license suspended for up to 6 months.”
Sa mismong website ng LTO, itinakda ang PHP2,000 fine at suspensiyon ng driver's license for three (3) months para sa first offense.
Ang fine naman sa second at third offense ay PHP3,000 at PHP10,000, alinsabay ng suspensiyon ng driver's license “for six (6) months and revocation on the succeeding offense.”