Scene-stealers ang tatlong lola na nagsilbing flower girls sa kasal ng kanilang apo.
Ang bride na si Frynz Kriselle Leopoldo ay ikinasal kay Casan Hussien Ramonal Walanda nitong May 7, 2023, sa Tukuran, Zamboanga del Sur.
Karaniwang pinakabatang miyembro ng bridal entourage ang flower girls, pero sa kasal nina Frynz at Casan, imbes na cute little girls ay groovy lolas ang naglakad sa aisle upang magsabog ng flower petals sa daraanan ng bride.
Read also:
- "Di na ako magiging June bride!" Bride-to-be’s fiancé dies weeks before wedding
- VIRAL: Newlywed couple's 24-karat gold wedding souvenirs
Kinagat agad ito ng netizens at nag-viral ang video nina Gloria Magallanes (84), Felonila “Inday” Virtudazo (73), at Francisca “Nene” Leopoldo (76), nang i-post ito sa TikTok.
Ang head coordinator ng Marry Now Weddings and Events na si Ruby Jane Yangao Broca ang nag-post nito sa kanyang TikTok account (Ruby Sparks).
Mayroon na itong 318,000 views at 27,400 heart reactions at press time.
Na-feature na rin ito sa leading TV news programs.
Kuwento ng bride na si Frynz sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong May 16, naisip niyang gawing flower girls ang kanyang mga lola para may special moment sila sa kanyang Muslim at civil wedding ceremonies.
Ang tatlong lola ay nagkaroon ng special roles sa buhay ni Frynz.
Simula nang mamatay ang ina ni Frynz noong 2019, ang mga lola na ang tumayong mother figures niya.
“I want my lolas to have a special moment sa kasal ko to make them feel loved and appreciated,” sabi ng bride.
“Minsan kasi naa-undervalue natin yung presence ng mga matatanda na puwede pala sila bigyan ng role na ganito as flower girls/lolas.
“First time flower girls po sila lahat.”

Ang tatlong lola na naging flower girls ng bride: (L-R) Francisca “Nene” Leopoldo (76), Gloria Magallanes (84), at Felonila “Inday” Virtudazo (73)
Base sa kuwento ni Ruby, ang events coordinator nina Frynz, maayos na nagampanan ng mga lola ang kanilang tungkulin, kahit na nga nakatungkod na ang isa, si Lola Inday.
“Mas mahirap pa i-instruct yung mga usual flower girls na bata kasi minsan may umiiyak, gusto kasama ang nanay, or yung iba nga, hindi na talaga nakaka-walk sa aisle kasi umiiyak na nga.
“Pero the lolas, alam na nila gagawin nila, yung first lola yung pinaka-cute kasi hinagis niya petals sa mga bisita, hindi sa aisle, kaya natuwa talaga sila lahat, lalo na ang socmed.”
LOLA AS FLOWER GIRLS
Hindi na bago ang pag-designate ng mga lola bilang flower girls sa mga kasalan.
Sa interview kay Frynz ng ABS-CBN News, inamin nitong nakuha niya ang idea sa isang article ng Bride and Breakfast.
Kaugnay nito, minsan na rin nag-trending ang second wedding nina PJ San Antonio at Dwight Tagapulot noong 2022.
Tatlong lola ang kinuha nilang flower girls habang ang nag-iisang lolo naman ang tumayo bilang ring bearer sa tinagurian nilang “dream wedding,” na ginanap dalawang taon matapos ang kanilang first wedding noong 2020.
Noon namang 2021, rumampa sa aisle sina Lola Estrella at Lola Nena ng Tagum City, Davao Del Norte, bitbit ang tarpaulin na may nakasulat na “Here comes our Apo” para sa kasal ng kanilang apong si Ronna Jen Uy kay March Anthony Canete.
Tulad nila, masayang-masaya si Frynz na naging highlight ng kanyang kasal ang kanyang mga lola.
“I made the right decision. Isa ito sa memorable moment na they will always cherish.”