Powerful blessing!
Samu’t saring reaksiyon ang natanggap ng video ng isang pari nang bendisyunan ang mga nagsimba sa kakaibang paraan.
Si Father kasi, gumamit ng high-pressure sprayer sa pagbebendisyon ng mga nagsimba.
Ito yung sprayer na kadalasang ginagamit sa agriculture kapag nag-i-spray ng pesticide sa mga halaman at pananim.
Read: VIRAL: Pari "nadistract" sa maid of honor na si Maine Mendoza
Marahil, ito ang ginamit para umabot ang bendisyon ng holy water sa mga churchgoers na malayo ang puwesto.
Nakunan ang video sa Kamay ni Hesus Shrine Healing Center sa Lucban, Quezon.
Malaki kasi ang simbahan at madalas ay napupuno ng mga nagsisimba.
Sa sobrang lakas nga ng pressure, either napapapikit o nababasa ang mga nagsisimba kaya kailangang magpunas.

Umani ng atensiyon sa social media ang video na in-upload ng netizen na si Mary Lord Cruz noong April 20, 2023.
NETIZENS HAVE MIXED REACTIONS
Marami ang naaliw.
“Super blessed,” comment ng isa pa dahil sa lakas ng pressure ng sprayer at siguradong walang mintis ang mga nagpapabendisyon.

Maraming netizens ang nagkomentong “naging halaman” ang mga nagsimba.
Komento ng isa pa, “The design is very insecticide."
May isa pang humirit na hindi tinipid ang holy water sa pagbebendisyon.




Pero hindi lahat ay naaliw sa naturang video.
May ibang netizens naman na na-offend sa kakaibang paraan na ito ng pagbabasbas.


Subalit marami-rami rin ang aprubado sa paraan ng pagbebendisyon ng pari.
Ang mahalaga raw ay maganda ang intensiyon, kahit na hindi ito ang nakasanayan.
Bahagi ng komento ng isa: “Naiiba, but the purpose is still there. Ang importante, nakaabot sa atin ang banal na tubig, mas marami pa nga.”
Dagdag ng isa pa, “Honestly sa Batangas ganyan talaga ang ginagamit. Mabuti yan para lahat ng tao ma bless.”




