Enjoy ang netizens sa Facebook post ni Rex Jacobe Imperial last March 23, 2023.
Ang kanyang post, published as is: “MALAPIT NA AKO MA-LATE SA KLASE TAPOS NAKASABAY KO PA UNG PROF KO SA LRT AHAHAHAHAH.”
Nag-aaral si Rex ng Bachelor of Science in Civil Engineering sa Technological Institute of the Philippines.
Nasa unang taon pa lang siya sa kanyang kurso.
Isa rin siyang cosplayer.

Nangyari ang insidente sa nasabi ring petsa.
Ang start ng klase ni Rex ay alas dose ng tanghali.
Galing sa Antipolo City, sumakay siya sa Light Rail Transit-Line 2 para makarating sa kanyang school na nasa Quezon City.
Inaabot ng 30 minuto usually ang kanyang biyahe. Pagbaba sa Anonas Station, walking distance lang papuntang TIP.
Pagbabahagi ni Rex, nagmamadali siyang sumakay sa train dahil nakita niyang umaandar na ito.
Hindi na siya puwedeng maghintay ng susunod na train dahil kakapusin na siya sa oras.
Aniya, humihingal siya nang makapasok sa loob ng train.
“’Tapos paglingon ko, nakita ko yung mismong professor ko sa klase ko na male-late ako.”
Ang tinutukoy niya ay si Dr. Reid Allen Ugsang, na professor niya sa art appreciation.
Natawa umano ito sa sitwasyon nilang dalawa na parehong naghahabol sa oras.
“Nagulat din siya at tinanong ako kung tagasaan ba ako.”

Pumayag ang professor na mag-selfie sila.
Bandang 11:35 a.m. nang i-post ni Rex sa Facebook ang kanilang selfie.
Nagulat siya sa dami ng natuwa. Nakakuha ito ng mahigit 76K reactions, 1.2 comments, at 16K shares.
Ayon kay Rex na isang working student, nagmamadali siya noong araw na iyon dahil may tinatapos siyang project.
Yun nga lang, na-late pa rin siya.
Dumating si Rex ng 12:09 p.m., mas maaga ng anim na minuto sa kanyang professor dahil dumaan pa ito sa faculty room.
Alam na rin ng kanyang professor ang tungkol sa kanyang Facebook post—na ayon dito ay “funny.”

Karamihan naman sa mga nagkomento sa post ni Rex ay iisa ang bulalas: “Safe! Hahaha!”
May mga nagbahagi rin ng katulad na sitwasyon, na ayon sa mga ito ay: “Nawala ang kaba. I understand the feeling.”
Ayon naman kay Trixie Pendon Gencianeo Bello na isang retired teacher, “Teachers are human too.
“In my almost 30 years in school, I was very seldom late.
“My students memorized my funny line—pag ako ang late, suwerte ka... Pero pag ikaw ang late, kawawa ka.”
Nakatanggap naman ng imbitasyon si Rex mula sa iba’t ibang media outlets para ibahagi ang kanyang naging experience na naghatid ng good vibes sa netizens.