PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shih Tzu, “most popular” dog breed sa Pilipinas

Paano ang tamang pag-aalaga?
by KC Cordero
Published Mar 6, 2023
Photos of Shih Tzus
Crossbreed ng Lhasa Apso at iba pang Chinese imperial breeds, ang Shih Tzu ang paboritong alagang aso sa Pilipinas. Ang lively charmer na ito ay kilalang may affection sa mga bata. (Photos courtesy of Shih Tzu Philippines)

Dog lover ka ba?

Alam mo bang ang pinaka-popular na dog breed sa Pilipinas ay Shih Tzu?

Ayon ito sa article na inilathala ng esquiremag.ph, mula sa pag-aaral na isinagawa ng householdquotes.

Batay naman sa nasabing study, ang pinakasikat na dog breed sa buong mundo ay Rottweiler.

Ayon pa rin sa study, 34 out of 150 countries ang pumili sa breed na ito.

Ikalawang most popular breed ang Australian Shepherd.

Sa Asia Pacific, ang German Shepherd at Golden Retriever ang paboritong alagaan.

Sa Pilipinas lang naging popular ang Shih Tzu.

Photo of Shih Tzu

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa report, sa Tibet nagmula ang Shih Tzu.

Crossbreed ito ng Lhasa Apso at iba pang Chinese imperial breeds.

READ ALSO: Meet Arwen, ang adorable kitten na bawal ampunin

ANG GANDA KASI!

Kinagiliwan ng mga Pinoy ang Shih Tzu (pronounced in the West as “sheed-zoo” or “sheet-su”) dahil sa magandang mukha nito.

Sino ba naman ang hindi matutunaw kapag tinitigan ka nito with its big dark eyes and sweet expression?

Tinatawag din itong “Lion Dog.”

Photo of Shih Tzu

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karaniwang tumitimbang ang Shih Tzu ng 9 to 16 pounds.

Ang sukat nito kapag nakatayo ay nasa pagitan ng 8 to 11 inches.

Kahit maliit, itinuturing ang Shih Tzu na “solid dog” o matipuno.

Sturdy, maharot, at alerto ang asong ito.

Maraming kulay ang coat, at lalong gumaganda kapag ipina-groom.

READ ALSO: Meet Fuffy, ang cute dog na kayang umuwing mag-isa after grooming

GET TO KNOW SHIH TZU

Way of life para sa isang Shih Tzu ang pagiging natural na cute.

Ang lively charmer ay kilalang malapit at may affection sa mga bata.

Masyado rin itong friendly at trusting—kahit sa ibang tao.

Dahil naman sa sukat nito, mainam itong alagaan kapag maliit lang ang bahay at walang bakuran.

Kung ang ibang dogs ay mahilig maghukay ng lupa o manghabol ng pusa, ang idea of fun ng Shih Tzu ay maupo sa kandungan ng fur parent at magpa-cute.

READ ALSO: Gibbon sa Japanese zoo, nagbuntis at nanganak kahit solo sa cage; sino ang ama?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

PROPER CARE FOR SHIH TZU

Kahit itinuturing na toy dog, kinakailangan din ng Shih Tzu ng tamang pangangalaga gaya ng ibang breeds.

Kinakailangang bigyan ng atensiyon ang mga bahagi ng katawan nito, lalo na ang mga mata, dahil laling natatakpan ng malagong balahibo.

Dapat ugaliin na tingnan kung nabungi ito o misaligned ang mga ngipin.

Nagiging sanhi kasi ito nang paglabas ng ngipin at maging ng dila kapag nakasara ang bibig.

Dapat ding obserbahan ang paglakad nito o pagtakbo para ma-evaluate kung napapanatili nito ang kanyang smooth, flowing, at effortless movement.

Inirerekomenda na pakainin ang alagang Shih Tzu nang at least three times a day kapag adult na.

Kapag tuta pa, kailangan nito ng four to six meals a day.

Ang breed kasing ito ay prone sa hypoglycemia, isang condition na ang blood sugar (glucose) level ay mababa kumpara sa standard range.

Dahil mabilis ang metabolism ng Shih Tzu, kulang ito sa kakayahan na mapanatili ang energy nito, lalo na kung sobrang malikot pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ ALSO: Paano maitataboy ang pasaway na pusa sa bakuran?

HOW TO TRAIN AND REWARD SHIH TZU?

Dahil ang sole purpose ng Shih Tzu ay para maging companion at house pet, mahalagang mapanatiling ang temperament nito ay outgoing, happy, affectionate, friendly, at mapagtiwala.

Matalino rin ang Shih Tzu at very trainable. Kahit ang mga bata sa bahay ay puwedeng magturo rito ng tricks.

Photo of Shih Tzu

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inirerekomenda ng American Kennel Club (AKC) na ang eight-week-old Shih Tzu puppies ay dapat nang bigyan ng obedience training.

At gaya ng ibang breed, dapat din itong disiplinahin.

Huwag bibiglain ang pagdidisiplina sa Shih Tzu—kailangan munang kilalanin siyang mabuti.

Maging consistent and firm sa pagbibigay dito ng reward and punishment.

Pagdating naman sa reward, puwede itong bigyan ng treat, ipasyal sa labas ng bahay o dalhin sa mall, makipaglaro sa kapwa aso, o nakahiga lang na katabi mo.

HOW TO DISCIPLINE a Shih Tzu?

Maling paraan naman ng pagdidisiplina sa Shih Tzu ang paninigaw at lalo na ang pananakit.

Nagreresulta kasi ang mga ganitong parusa o pagdidisiplina ng pagiging “hand-shy” ng Shih Tzu. Hindi na nito malaman kung itinataas ng amo ang kamay para i-pet ito o papaluin pala.

Kapag nagdidisiplina ng Shih Tzu, regular na gamitin ang “click, treat, and come” method.

May pagkakataon na nagiging pasaway din ang Shih Tzu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahalaga na mag-practice ng mga bagong commands araw-araw para patuloy itong nahahasa sa obedience training habang nasa poder ng amo.

READ ALSO: Rare "asong gubat" o "witch dog," kikilalaning pure-breed asong Pinoy ang orig

Highly sensitive naman ito sa parusa at paninigaw, kaya posibleng mag-iba ng attitude kapag natatakot.

Reward-based methods ang best na paraan para maging behave ito.

Gumamit ng training clicker at ng treats para maturuan ito ng "Sit" and "Stay."

I-click ang clicker kapag nakagawa ito ng right behavior.

Makatutulong din ang paglalagay ng leash kapag tinuturuan ang Shih Tzu ng bagong command.

Sa pamamagitan ng leash, mananatili ang atensiyon nito sa nagtuturo ng command.

Ang pag-aalaga ng aso anuman ang breed ay hindi pribilehiyo kundi responsibilidad.

Ang ating dog ay sa atin umaasa, sa bare minimum, ng pagkain at shelter.

Deserve nila ang higit pa dahil sa ligayang hatid ng pet dog sa ating buhay—lalo na kapag cute na cute gaya ng Shih Tzu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Crossbreed ng Lhasa Apso at iba pang Chinese imperial breeds, ang Shih Tzu ang paboritong alagang aso sa Pilipinas. Ang lively charmer na ito ay kilalang may affection sa mga bata. (Photos courtesy of Shih Tzu Philippines)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results