Naging kontrobersiyal ang isang event na pinangunahan ng isang left-wing civic group sa South Korea na ginanap noong February 11, 2023.
Pinayagan kasi ang mga kalahok na tudlain gamit ang toy arrows ang mga larawan nina President Yoon Suk Yeol, First Lady Kim Keon Hee, at Justice Minister Han Dong-hoon.
Iniulat ito ng The Korea Times noong February 15.
Ayon sa mga pumuna sa ginanap na event, nag-e-encourage ito ng pagkagalit—na talamak na ngayon sa Korean society.
Dapat umanong seryosohin ang pagbatikos sa event dahil maging ang mga bata ay pinayagan na makisali.
Ang event ay bahagi ng isang rally na ginanap sa unang nabanggit na petsa sa central Seoul.
READ ALSO: 2,400-year-old flush toilet, nahukay sa China; researchers tinawag itong “luxury object”

Nanawagan ang civic group na bumaba na sa puwesto ang Yoon government, at magkaroon ng special counsel probe para imbestigahan ang alegasyon ng stock manipulation na kinasasangkutan ng First Lady.
Ang Justice Minister na si Han, na isang senior prosecutor, ay close aide ni President Yoon.

Isang conservative si President Yoon, at noong nangampanya sa pagkapresidente, sinabi niyang maninindigan siya laban sa China at mas patatatagin ang relasyon sa United States.
Marami rin ang nagtaas ng kilay nang sabihin niyang magsasagawa ang bansa ng pre-emptive strike sa North Korea kung magpapakita ang huli ng senyales ng pag-atake.
READ ALSO: First-gen factory sealed 2007 iPhone, nabenta ng mahigit PHP3M
May mga alegasyon naman laban kay First Lady Kim Keon Hee ng stock price manipulation, hindi pagdi-disclose ng luxury items mula sa personal assets disclosure, pag-iimbita sa isang police officer na sangkot sa isinasagawang imbestigasyon sa isang official event, plagiarism, falsification ng kanyang credentials, at kaduda-dudang kontrata para sa government facilities.

May tsika rin na isa siyang retokada.
Ayon kay Representative Lee Su-jin, na kabilang main opposition na Democratic Party of Korea, at isa sa mga kalahok sa rally, inabuso ni President Yoon ang prosecution's power nito sa buong bansa.
Dahil doon, nalagay aniya sa panganib ang demokrasya ng South Korea.
Si President Yoon ay dating prosecutor bago naging pangulo.
Mahigit 2,000 katao ang sumama at nakilahok sa rally, ayon sa left-wing civic group.
READ ALSO: Art piece worth PHP2.3M, aksidenteng nabasag ng isang ale sa exhibit
Sa venue ng rally, nag-install ng mga booth na may mga laruang pana.
May mga manika ring may nakakabit na larawan nina Yoon, Kim at Han bilang target.
Kailangang tirahin ng mga kalahok ang target, at kung sino ang makatama sa mukha ang panalo.
Lalong naging kontrobersiyal ang event matapos i-post ng left-wing civic group ang mga litrato sa website nito kinabukasan.
Kabilang sa mga larawan ang kuha sa isang batang lalaki na itinaas ang mga kamay sa tuwa matapos tirahin ang mga targets.
READ ALSO: “Oldest known condom in existence” nahukay sa tomb ng hari ng Egypt
Para kay Rep. Yoon Sang-hyun ng ruling People Power Party claimed, ang event—bagaman at pagpapahayag ng partisan antagonism—ay lumampas na sa hangganan ng kagandahang asal.
Aniya sa kanyang post sa Facebook last February 13, hindi nararapat na manghikayat ng pagkagalit at karahasan, lalo na sa mga bata.
May mga nakisimpatya sa kanyang argumento.
Ayon sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post, hindi ito supporter ni President Yoon either, pero napasobra naman ang ginawa ng left-wing civic group.
READ ALSO: Kalinga breaks world records for “largest gong ensemble and banga dance"
May nagkomento rin na ang event ay nagpapaalala rito ng mga larawan na inilathala ng North Korea noong 2013 kung saan ang mga sundalong North Koreans ay nagsagawa ng shooting exercise na ginamit bilang target ang larawan ni Kim Kwan-jin, ang defense minister ng South Korea noong panahon na iyon.
Para naman sa mga nakisimpatya sa ginawa ng left-wing civic group, isa anila itong freedom of expression.
Ganito rin ang pahayag ng isang opisyal ng left-wing civic group na hindi na tinukoy ang pangalan.
Aniya, sa demokratikong lipunan, dapat ituring itong satire.
