Isang hindi pa nabubuksan at nasa original box pa na first-generation iPhone ang nabenta ng mahigit sa US$63,000 (PHP3,462,763.50) sa isang auction noong February 19, 2023.
Ito na ang pinakamataas na presyo ng isang first-generation iPhone, na inilabas noong 2007.
Ayon sa website ng LCG Auctions na siyang nangasiwa sa isinagawang auction, nabenta ang device sa eksaktong presyong US$63,356.40 (PHP3,482,352.85).
Mahigit 100 beses itong mas mahal kumpara sa orihinal na presyo.

READ ALSO: Joey Reyes, 1st iPhone 14 customer after one year nag-ipon, 41 hours pumila sa Apple store
Fifteen years ago, ang benta ng Apple sa first-generation iPhone ay US$599 (PHP32,923.74).
Ang gadget ay available noon sa capacity na 4GB o 8GB ang storage, two megapixels ang resolution ng camera, at 3.5 inches ang laki ng screen.
Ayon sa isang report, ang partikular na unit ng iPhone na nabenta sa auction ay pag-aari ng isang nagngangalang Karen Green, isang cosmetic tattoo artist sa New Jersey.
Eight gigabytes ang storage capacity ng phone, at factory sealed pa ito.
READ ALSO: Lumang tsinelas ni Steve Jobs, nabenta sa presyong PHP12 million
Paintings na parang gawa lang ng bata, nasa PHP2 bilyon ang halaga!
Iniregalo kay Karen ang iPhone, pero hindi niya ito binuksan dahil may kontrata o plan siya Verizon.
Ang kanyang plan ay hindi available sa mga unit ng iPhone.
Sa mga nakalipas na taon ay tinangka ni Karen na ibenta ang iPhone, pero walang bumili.
Iningatan na lang niya ito simula nang ma-feature siya at ang kanyang iPhone sa TV show na The Doctor & The Diva noong 2019.

Na-appraise kasi ito ng host na si Ph.D. Antiques Appraiser Dr. Lori sa halagang US$5,000.
Na-realize niyang mas tataas pa ang value nito.
Nakipag-ugnayan naman si Karen sa LCG Auctions last October 2022 matapos niyang malaman na may isa pang 2007 first-generation iPhone na nabenta ng halos US$40,000.
Kailangan kasi niya ng budget para sa kanyang cosmetic tattoo studio.
Sinimulan ang auction para sa kanyang iPhone noong February 2 at natapos noong February 19.
READ ALSO: Gintong kuwintas na nalambat sa Davao Del Sur, nabenta ng PHP400K
Ayon sa LCG ay napaka-unique ng unit ni Karen, bukod pa sa maganda rin ang kuwento kung bakit hindi niya ito binuksan kahit minsan.
Nagsimula ang bidding sa iPhone sa halagang US$2,500.
Pero nagtapos ang auction na mas mataas pa ng US$13,000 kaysa sa inasahang presyo na US$50,000.

Inilunsad ng Apple ang pinakaunang iPhone noong January 2007.
Si Steve Jobs pa ang nagtitimon noon sa kumpanya.
Sa ginanap noon na paglulunsad sa first-generation iPhone sa Macworld conference, tinawag ni Steve ang gadget na "revolutionary."
Ang original iPhone ay wala pang App Store at available lang exclusively sa 2G network ng AT&T.
Ito rin ang tinanghal ng Time Magazine na 2007's Invention of the Year.
Ang presyo ng first-edition iPhones na nasa orihinal pang box ay tumaas nang tumaas sa paglipas ng panahon dahil itinuturing ito ng mga Apple junkies at collectors na blue-chip assets.