PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dambuhalang blue marlin na nahuli sa Cagayan, 210 kilos ang bigat!

"Ang haba po niya ay mga eight feet.”
by KC Cordero
Published Feb 3, 2023
Photos of the giant blue marlin being measured
Laking tuwa ni Jhong Ignacio sa napakalaki niyang huli: “Masaya po kami na nakatulong sa amin itong ibinigay ni Lord sa amin. Mayroon kaming pambili ng mga gamit, pagkain. May kaparte din yung mga tumulong sa amin kaya masaya kaming lahat.” (Photos courtesy of PIA Region 2)

Jackpot ang mangingisdang si Jhong Ignacio ng San Vicente, Santa Ana, Cagayan makatapos makahuli ng isang dambuhalang blue marlin noong January 23, 2023 sa karagatang sakop ng kanilang lugar.

Sa panayam kay Jhong ng Mornings With GMA Regional TV kahapon, February 2, aniya, “Masaya po at nakahuli kami ng ganung malaking isda.

Photo of Jhong Ignacio

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagtitimbang po siya ng 210 kilos ang kabuuan. Ang haba po niya ay mga eight feet. Kasama ko po yung mga kaanak ko.”

Read also: Giant lapu-lapu na nahuli sa Antique, napakabigat; limang oras bago naiahon sa dagat!

Tatlumpo at walong taon nang nangingisda si Jhong.

Hindi rin ito ang unang pagkakataong nakahuli siya ng giant blue marlin.

“May una pa noon. Tatlong taon na ang nakalipas, at mas malaki pa noon ang nahuli namin.”

Agad ding nabenta ang kanyang huli ngayon.

“Pinuntahan po dito sa bahay namin nung mga buyer na bumibili ng blue marlin.”

Aniya, malaki ang kanyang pasasalamat sa biyayang dala ng higanteng isda.

“Masaya po kami na nakatulong sa amin itong ibinigay ni Lord sa amin. Mayroon kaming pambili ng mga gamit, pagkain.

“May kaparte din yung mga tumulong sa amin kaya masaya kaming lahat.”

Hindi na niya binanggit kung magkano nabenta ang isda.

Pero kung pagbabasehan ang PHP400 to PHP500 na presyo ng blue marlin per kilo sa mga online palengke, aabot ng PHP84,000 hanggang PHP105,000. Mas mababa siyempre ang presyo pag sa palengke at lalong as mababa kapag direktang binili sa mangingisda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Higanteng lapu-lapu na nahuli sa Palawan, nabenta sa presyong PHP19K

Giant tilapia sa Kidapawan City, pang-world record ang laki!

Sa ulat naman ng Philippine Information Agency Region 2, bukod sa dambuhalang blue marlin, nakahuli pa si Jhong ng dalawa pang katulad na isda na malalaki rin.

Photo of blue marlins

Ayon naman kay Josette Misador Antonio, National Stock Assessment Program (NSAP) Enumerator ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, kadalasan ay maraming nahuhuli na "dulakak" o "susay"—lokal na tawag sa blue marlin—tuwing buwan ng Enero hanggang Hunyo, pero kadalasan ay nasa 50 hanggang 75 kilos lamang ang bigat ng kada isa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinaliwanag din ni Antonio na dahil sa patuloy na implementasyon ng mga batas pampangisdaan laban sa mapanirang pangingisda ay nararamdaman na ang unti-unting pagdami ng huling isda sa mga karagatan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Laking tuwa ni Jhong Ignacio sa napakalaki niyang huli: “Masaya po kami na nakatulong sa amin itong ibinigay ni Lord sa amin. Mayroon kaming pambili ng mga gamit, pagkain. May kaparte din yung mga tumulong sa amin kaya masaya kaming lahat.” (Photos courtesy of PIA Region 2)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results