PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ganiel Krishnan shookt sa “I fertilized” reply ng delivery rider

“Nag-abono pala siya. Fertilize nga naman.”
by KC Cordero
Published Feb 1, 2023
Photo of Ganiel Khrisnan and her tweet
Pinilit inunawa ni Ganiel Khrisnan ang naging reply sa kanya ng rider. "So, akala ko talaga nag-e-English siya sa akin the whole time, yun pala nakaano, naka-auto translate. Saka ang gusto niyang sabihin is, 'Nag-abono ako, Ma'am.'” (Photos courtesy of Ganiel Khrisnan)

Kinatuwaan ng netizens ang tweet ng ABS-CBN reporter na si Ganiel Krishnan sa Twitter last January 26, 2023.

Ibinahagi niya ang screenshots ng naging conversation nila ng isang delivery rider nang mag-order siya ng food.

Para mapangalagaan ang identity ng rider, tinakpan ni Ganiel ang pangalan nito.

Ang mga unang mensahe sa kanya ng rider, published as is: "I fertilized 2405, ma'am.

“I'm out here ma'am."

Sumagot si Ganiel ng, “Okay po.”

Sunod na mensahe ng rider, "Ma'am, you will pay only 2405. The vendor says you will be refunded.”

Dagdag pa nito, “I fertilized."

Ani Ganiel sa kanyang tweet, published as is, "Pinilit ko intindihin si kuya foodpanda driver. Nag abono pala siya. Fertilize nga naman.

Nagkomento siya sa kanyang tweet bilang paglilinaw na, "Also para po clear, hindi naman pala ito sinadya ni kuya driver. Naka-auto translate po yung setting nung app. Napag alaman ko lang po."

Netizens' comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa replies ng netizens, marami sa mga ito ang nagbahagi na nakaranas din sila ng ganitong sitwasyon dahil sa auto translate feature ng delivery app.

Marami sa mga Twitter users ang hindi agad nakuha ang “I fertilized.”

Nag-loading daw sila bago ito naunawaan.

Netizens' comments

Sabi ng isang Twitter user, “Napaisip din ako. Then I realized abono nga pala sa Tagalog yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabad naman ng isa, “May na-experience din ako sa ganyang auto translate. Ang malala ay muntik akong nakipag-away.

Pagbabahagi naman ng isa pa, “Pasaway din minsan grab app. Kanina nung nag-chat ako sa driver tungkol sa ‘saging na malaki na bibilhin,’ biglang nagreklamo yung system, unable to send inappropriate content daw, hahaha!”

Biro kay Ganiel ng isa, “Dapat may ‘Thank you for fertilizing!’"

Netizens' comments

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa February 1 episode ng Teleradyo Balita, matapos mag-report ni Ganiel ng showbiz news ay biniro siya ng anchor na si Noli De Castro.

Tanong sa kanya ni Kabayan, “Ay bakit naman ikaw ay hindi nagpe-fertilize?

Natatawang sagot ni Ganiel, "Ay, Kabayan, bakit mo naman nakita iyan?"

"Aba'y siyempre! Ano ba ang istorya dun? Bakit ka nag-fertilize?"

Screenshot of Teleradyo Balita

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muling idinetalye ni Ganiel ang kuwento. "Kasi, Kabayan, nag-order ako nun.

“'Tapos, pagbalik sa akin ng driver nitong food application na ito, ayun nga naka-English na siya.

"So, akala ko talaga nag-e-English siya sa akin the whole time, yun pala nakaano, naka-auto translate.

"Saka ang gusto niyang sabihin is, 'Nag-abono ako, Ma'am.'”

Hirit ni Kabayan, "Kaya fertilized?"

Ani Ganiel, "Fertilized, e, [ang] lumabas.

Natatawa pa niyang sambit, "Ako rin, Kabayan, ikinagulantang iyan ng aking January 2023."

Biro ni Kabayan, dapat yatang idagdag sa English-Tagalog dictionary ang “I fertilized” bilang kahulugan kapag may nag-abono o nagpaluwal ng pera sa ipinabili.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinilit inunawa ni Ganiel Khrisnan ang naging reply sa kanya ng rider. "So, akala ko talaga nag-e-English siya sa akin the whole time, yun pala nakaano, naka-auto translate. Saka ang gusto niyang sabihin is, 'Nag-abono ako, Ma'am.'” (Photos courtesy of Ganiel Khrisnan)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results