PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bangus Dispute in Tarlac Market

Aksidenteng naapakan ng tindero ang paa ng kapwa tindera ng bangus.
Published Jan 27, 2023
Viral batuhan ng bangus palengke
Nagliparan ang mga bangus nang magbatuhan ang dalawang pamilya na nagtitinda ng mga isda sa isang palengke sa Tarlac. Nagsimula ang insidente nang aksidenteng maapakan ng tindero ang paa ng tindera.
PHOTO/S: Elmer Apostol

Kung mayroong catfight, mayroon din palang bangus fight.

Pinagpiyestahan kamakailan sa social media ang away ng dalawang pamilya sa isang palengke sa Tarlac dahil nagbatuhan ng mga paninda nilang isda.

Ang pinagmulan ng gulo: diumano’y aksidenteng naapakan ng isang tindero ang paa ng isang tindera.

Lumaki at lumala ang insidente nang manghimasok ang kani-kanilang pamilya na pare-pareho ring nasa palengke.

Ang batuhan ng mga bangus ay nakunan ng video ng netizen at naging viral sa social media.

DALAWANG PANIG

Nitong January 23, 2023, nakapanayam ng GMA News ang mga sangkot sa insidente.

Dahil siksikan sa palengke, hindi umano sinasadyang naapakan ni Jonas Patawaran ang kapwa tinderang si Marissa Cawigan.

Ani Marissa sa GMA News, “Parang sinadya. Yung botas niya ginanon sa paa ko.

“Ngayon sinita ko siya, ‘Huwag kang sobrang mayabang,’ kako. Hindi man siya nag-sorry. Parang walang modo.”

Paliwanag naman ni Jonas: “Hindi sa sinasadya na madaplisan yung paa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May nakaharang po na paninda doon po sa gilid. Itataas ko yung paa ko, akala ko kung ano yung naano ko. Ngayon pala, paa niya lang pala.”

Ang simpleng insidenteng ito ay lumaki dahil nakisali ang kani-kanilang mga pamilya.

Sinita ni Roberto Cawigan, mister ni Marissa, si Jonas.

Sabi ni Roberto, sinabihan niya si Jonas ng ganito: “’Bakit mo inapakan yung misis ko ng bota?’ Siya [Jonas] pa yung nagagalit.”

Nagsumbong naman si Jonas sa kanyang kapatid na si Jenny at nanay nilang si Cecilia.

Nagpunta silang tatlo sa puwesto nina Marissa at nakipag-usap.

Pero sabi ni Cecilia, hindi maganda ang sinabi sa kanya ng anak ni Marissa.

Kuwento ni Cecilia: “’Mulala [tanga] ka pala, e,’ sabi nung anak niya."

Sinagot naman daw ito ni Cecilia ng, “Hindi po kami nagpunta dito para makipag-away. Nagpunta lang kami dito para mag-ayos."

Iba naman ang bersiyon ng kuwento ni Marie, anak ni Marissa na humarap kina Cecilia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Marie, “Sabi po, ‘Bobo ka, magte-tresspassing nga kami,’ at makikipag-usap lang po sila. Ba’t po sila magte-trespassing?”

Nung mga pagkakataon daw na iyon, napupuno na ng galit si Jenny, anak ni Cecilia.

Sina Marie at Jenny ang nakunan ng video na nagbatuhan ng bangus.

Ani Marie, nagbanta si Jenny na babatuhin siya ng bangus nito.

Sagot daw ni Marie kay Jenny, “’Gawin mo,’ sabi ko.”

Ginulo ni Jenny ang mga panindang isda ng pamilya Cawigan kaya’t binato siya ng bangus ni Marie.

palengke

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang sumunod na eksena ay ang nag-viral na video ng mga nagliparang bangus dahil nagbatuhan ang magkaaway na pamilya.

Naawat lang ang dalawa nang pumagitna ang isang security guard.

PINAGBATI SA BARANGAY

Nagharap ang magkabilang pamilya sa barangay noong nakaraang linggo. Nakunan ng GMA News ang paghaharap nila.

Dito, sinabihan ni Marissa si Jonas na hindi sana hahantong sa gulo ang nangyari kung nag-sorry ito matapos maapakan si Marissa.

Humingi naman ng pasensiya si Jonas sa nangyari at nagpaliwanag na hindi niya ito sinasadya.

Nag-abot ang pamilya Patawaran ng relyenong bangus sa pamilya Cawigan bilang fish, este, peace offering.

Sa dulo, nagyakapan sina Marissa at Cecilia, na hudyat ng pagtatapos ng kanilang alitan.

Marissa Cawigan at Cecilia Patawaran barangay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagliparan ang mga bangus nang magbatuhan ang dalawang pamilya na nagtitinda ng mga isda sa isang palengke sa Tarlac. Nagsimula ang insidente nang aksidenteng maapakan ng tindero ang paa ng tindera.
PHOTO/S: Elmer Apostol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results