Kambal na hindi lang magkaiba ang birthdays, kundi magkaiba rin ang taon ng kanilang kapanganakan.
Ito ang nangyari nitong Bagong Taon sa twin sisters na isinilang sa Denton, Northern Texas, sa States kamakailan.
Ang isa ay isinilang noong New Year’s Eve, December 31, 2022, dakong 11:55 ng gabi.
Makalipas ang anim na minuto, isinilang ang kakambal nito ng January 1, 2023, dakong 12:01 a.m.
Anim na minuto lamang ang pagitan ng kambal, pero magkaiba ang taon ng kanilang kapanganakan.
Ang panganay ay si Annie Jo Scott, at ang pangalawa sa kambal ay si Effie Rose Scott. Ipinanganak sila via caesarian section sa Texas Health Presbyterian Hospital Denton.
Bouncing baby girls ang kambal.

Ang parents na sina Kali Jo Scott at Cliffort Scott at ang kanilang bagong silang na kambal.
Samantala, nakakatawa para sa mga magulang na sina Kali Jo Scott at Clifford Scott ang childbirth ng mga anak.
Sabi ng inang si Kali sa interview ng USA Today, “You just take for granted that they're going to be born on the same day, much less the same year."
Para kay Kali, may positive side rin ang magkaroon ng anak na magkaiba ang kaarawan.
Sabi niya sa Fox staion na KDFW, “I am really excited that it gives them just a little bit added individualism to their story into their life. It's one less thing they have to share.
"You always still want to make sure they have their own individual personality and know that they are special and unique.
"One will always get the glitter and confetti of New Year's Eve and one gets to kick it off with a brand-new year on New Year's Day."
Sinegundahan naman ng amang si Clifford ang sinabi ng kanyang misis pagdating sa pagkakaiba ng kanilang kambal na anak.
Aniya sa Good Morning America, “That’s kinda the cool thing. They’re gonna be sharing a lot of things their whole life, but this way, we can give them each an individual celebration when they’re older.
“We can probably get away with one [birthday] for a little while, until they realize what’s going on and have separate parties.”
Related Stories:
- Twins na isinilang 15 minutes apart, magkaiba ang year of birth
- Kambal, isinilang after 30 years ng pagiging frozen embryos
