Bida ang balut sa isang kakaibang museum—Disgusting Food Museum—na matatagpuan sa Malmö, Sweden.
Sa katunayan, naka-exhibit pa sa museum ang kilalang Pinoy delicacy at itinuturing na exotic food in general.
Pang-siyam ang balut sa inilabas na Top 25 “Most Disgusting Food in the World,” ayon sa official website ng Disgusting Food Museum.
Ang nasa listahan ay itinuturing umano nilang “among the most nasty foods, the most disgusting foods in the world.”
Ang Disgusting Food Museum ay itinayo noong 2018 at pumapalo sa 20,000 visitors dumadayo rito kada taon.
Samantala, nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang isang Filipino jetsetter na recently ay bumisita sa kakaibang museum na ito sa Sweden.
Usisa namin, bilang Pilipino, ano ang naramdaman niya na kabilang ang Pinoy delicacy sa “nasty, disgusting” na pagkain?
“I understand that there are many people who are afraid to try balut, kasi para silang kumakain ng duckling,” aniya nitong January 6, 2022.
Lumaki raw siya na kumakain ng balut dahil may balutan ang kanyang lolo at lola noon.
“For me, masarap siya and hindi disgusting. As a Filipino, hindi naman ako na-offend, kasi there are also Filipinos na hindi kumakain ng balut.
“Hindi rin nakakagulat, kasi very exotic naman talaga yung balut, minsan may beaks and feathers pa na kasama.
“Natawa lang ako kasi sa layo ng Sweden, may nakuha silang balut for display and also for selling.”

Inusisa rin namin sa kanya kung ano ang mga food on display na sa tingin niya ay “disgusting” sa kanyang panlasa.
Sagot niya, “Fruit Bat soup, parang nakahimlay yung bat sa gitna ng soup.”
Ang fruit bat soup ay delicacy ng Palau.

Fruit bat soup
Dugtong niya, “Casu Marzu from Sardinia, Italy,” pagtukoy sa cheese na inaamag ng mga buhay na uod.

Ang Casu Marzu ng Sardinia, kung saan makikita ang mga buhay na maggots.
“Yung Baby Mouse Wine from China, Sheep Eyeball Juice from Mongolia.”

Sheep's eye
Sa museum ay may available na dalawampung klase ng exotic food na maaaring mabili para masubukan ng mga matitibay ang sikmura, at isa na rito ang balut.
Kuwento pa ng interviewee, “Puwede ding makabili ng bull penis, sheep’s head, bull testicle, guinea pigs...”
Ang ibang nasa exhibit ay naaamoy rin daw.
“After naman ng exhibit, you can try some of the items, fermented shark, dung beetles, crickets, century egg, sago worm, buffalo worm, mostly insects which we tried, may Vegemite din, stinky cheese, Durian, fermented fish, sauer kraut drink, salt licorice, etc.”
Ang entrance para sa adult ay katumbas ng PHP1,019.
Bilang isang turista, ano kanyang naramdaman sa Disgusting Food Museum?
“Pagpasok mo ng museum, bibigyan ka kaagad ng vomit/sickness bag.
“Very unique and fascinating experience kahit very unappetizing yung mga makikita mo sa exhibit.
“It gives you an insight sa iba’t-bang cultures ng mga bansa.
“Minsan talaga what people find disgusting can be a delicacy sa ibang country.
“Hindi pare-pareho para sa lahat. Interesting experience, lalo na at the end you can try some of these disgusting foods.
“Nagtataka lang ako kasi there were items like SPAM, Hostess Twinkies snack cake, gummy bears, root beer, Mexican Menudo, Scottish National dish Haggis na naka-display as disgusting.”
