PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Bahay Jeep” ni Francis Amoroso, buong Pilipinas ang biyahe

Netizens, may chance kayo na maging passenger at travel buddy.
by KC Cordero
Published Jan 5, 2023
Bata pa lang ay pangarap na ni Francis Amoroso na mag-travel around the world. Ngayon, plano niyang libutin muna ang Pilipinas sakay ng kanyang Bahay Jeep. “Bumili ako ng jumbo jeepney na may 30-passenger capacity. Nilagyan natin ng kuwarto, CR, sala, kusina.”

Kung sa ibang bansa ay mayroong camper van, dito naman sa Pilipinas ay mayroong Bahay Jeep.

Ito ang ginawa ni Francis Cañaveral Amoroso, 30, ng Dasmariñas, Cavite, para maisakatuparan ang kanyang childhood dream na makapag-travel around the world.

Sabi ni Francis sa video na kanyang pinost sa Facebook noong January 2, 2023, natutupad na niya ang pangarap niyang ito sa pamamagitan ng kanyang Bahay Jeep, although sa Pilipinas pa lang siya naglalakbay.

The Bahay Jeep

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Bumili ako ng jumbo jeepney na may 30-passenger capacity.”

Nai-convert niya ito para maging camper jeepney.

“Nilagyan natin ng kuwarto, CR, sala, kusina.”

Interior of Bahay Jeep

Interior of Bahay Jeep

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para naman laging may power supply, nag-install siya sa bubong nito ng solar power system. Ito ay naayon sa kanyang pagiging advocate niya ng renewable energy.

“Para kahit saan man mapadpad ay ready na ready tayo.”

Ang Pinoy version ng camper van ni Francis ay inabot ng PHP500,000 ang gastos para mabuo.

Nang makumpleto na niya, ang Bahay Jeep ay nagsisilbing sasakyan at tahanan ng kanyang buong pamilya.

May kasamang tagapagmaneho si Francis.

“Kailangan ko ng karelyebo sa pagda-drive. Yung willing pumunta sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas at marunong sa pagmemekaniko kahit basic lang.”

on the road with the bahay jeep

Ipinakita rin ni Francis kung paano ang nagiging sistema kapag nasa travel siya dala ang Bahay Jeep.

Naghahanap sila ng malawak na space na puwedeng maparadahan pagsapit ng madaling-araw.

Kalimitan ay sa parking area ng convenience store.

“Manghihingi tayo ng permiso kung puwedeng magpalipas ng kahit three to four hours.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bilang pasasalamat, doon na rin sila bumibili ng pagkain at iba pang pangangailangan.

“’Tapos paggising natin saka tayo maghahanap ng location kung saan tayo puwedeng maligo. Kung ano yung una nating mahanap, ilog o dagat, puwede na yun.”

May malaking compartment ang Bahay Jeep na dedicated sa baon nilang tubig na inumin dahil importante ang malinis na drinking water kapag nasa biyahe.

Sa loob naman ay may dalawang sofa, na pinagdidikit kapag matutulog na sila.

“Kasya rito ang mga lima o anim, basta paayon ang pagkakahiga nila.”

Kapag nasa biyahe, dito rin siya nag-e-edit ng content para sa kanyang social media accounts.

Interior of Bahay Jeep

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa mga na-amaze at nagkaroon ng chance na ma-experience ang kanyang sasakyan ay ang celebrity na si Daiana Menezes.

Daiana Menezes' photo

Para naman sa mga curious sa kanyang nagiging biyahe, nagbibigay si Francis ng pagkakataong maranasan ng mga ito ang buhay sa Bahay Jeep.

Ibinahagi niya sa video ang pagsundo sa isa niyang Facebook follower.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko sa kanya, i-ready niya ang mga gamit niya dahil anytime ay susunduin namin siya para isama sa next na gala natin.”

Paalala niya sa kanyang followers, “Kayo, guys, pag naka-chat ninyo ako at sinabi kong i-ready ninyo ang gamit ninyo, i-ready ninyo dahil talagang dadaanan namin kayo.”

Tuwang-tuwa naman ang masuwerteng netizen sa naging experience.

Sinubukan pa nitong magluto sa kitchen ng Bahay Jeep.

Anito, “Ang maganda sa Bahay Jeep, convenient, and at the same time magkakasama kayo sa isang sasakyan.

“’Tapos kung saan ninyo gustong huminto, puwede. Kung sa may ilog, nakakaligo, nae-enjoy ang view.”

Sa kasalukuyan ay narating na ni Francis kasama ang pamilya at mga kaibigan ang National Capital Region, Naic, Quezon, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Batangas.

Passengers Bahay Jeep

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Plano niyang libutin ang Luzon, Visayas, at Mindanao, at ibahagi ang mga makakalap niyang kuwento mula sa mga lugar na kanyang nararating at mga taong nakakasalamuha.

Masaya rin siya na dahil sa atensiyon na nakukuha ng Bahay Jeep sa social media, maraming nag-aabang sa kanyang adventures.

May mga nag-i-sponsor din kung minsan ng pang-maintenance sa Bahay Jeep, gaya ng automobile products.

At dahil unti-unti niyang natutupad ang kanyang childhood dream, na-realize ni Francis na, “If you still have dreams na di pa naaabot, keep trying, keep pushing and keep motivating yourself.

“The only time your dream dies is the time when you decided to quit.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bata pa lang ay pangarap na ni Francis Amoroso na mag-travel around the world. Ngayon, plano niyang libutin muna ang Pilipinas sakay ng kanyang Bahay Jeep. “Bumili ako ng jumbo jeepney na may 30-passenger capacity. Nilagyan natin ng kuwarto, CR, sala, kusina.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results