May mga balita at kuwento mula sa iba’t ibang bansa na umagaw ng pansin ng Pinoy readers noong 2022.
Sila ay nakamamangha dahil hindi araw-araw na nangyayari. Mapapaisip ka na ang mundo ay may mga kaganapang hindi maarok ng pang-unawa, pero nangyayari talaga.
Nariyan ang kambal na magkaiba ang ama, at may kambal ding magkaiba ang birthday.
May hotel na walang bubong at pader, pero libu-libo ang nasa waiting list.
Meron ding babaeng ipinagkaloob ang kidney sa boyfriend, pero iniwan siya nito ilang buwan matapos ang transplant.
Narito ang 10 foreign news nitong 2022 na binasa ng readers ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
"Bored" security guard, ginuhitan ng mga mata ang painting worth PHP50M
Noong February 2022, ibinalita sa malalaking media outlets worldwide ang tungkol sa isang $1 million (PHP51 million) worth na abstract painting dahil na-vandalize ito.
Ang mamahaling painting ay naka-exhibit sa Boris Yeltsin Presidential Center, Ekaterinburg, Russia.
Obra ito ng namayapang Soviet artist na si Anna Leporskaya at tinawag niya itong "Three Figures."

Ang abstract art ay binubuo ng tatlong human figures na walang mga mata. Kaya na-shock ang museum staff nang makitang ginuhitan ng mga mata ang importanteng obra.
Natuklasang ang nag-vandalize sa art sa pamamagitan ng pag-ukit ng mata sa dalawang figures ay ang naka-duty na security guard.
“Bored” umano ang security guard kaya naisipan niyang guhitan ng mga mata ang obra.
First day of work din niya. Pero dahil sa ginawa niya, tinanggal din siya sa trabaho.
Sinabi ng mga art experts na mareremedyuhan ang sinulatang painting, pero aabot pa rin sa $4,600 (PHP236,000) ang gagastusin para ma-restore ito.
Read: "Bored" security guard nilagyan ng mga mata ang painting na worth PHP50M
Banta ng “China’s most handsome man”
Naibalita rin sa international media ang tungkol sa babala ng Chinese social media star na si Dingzhen Zhenzu.
Si Dingzhen ay tinaguriang “China’s most handsome man” matapos siyang mapansin sa isang video clip noong November 2020.
Nakakuha ng atensiyon si Dingzhen dahil sa kanyang “innocent smile” at “pretty face."
Pero ang pagiging sensational ni Dingzhen ay nadungisan ng pamba-bash.
Sa social media, ginawa kasing point of reference si Dingzhen pagdating sa mga personalidad na may itsura pero walang talento.

Malinaw na pangungutya ito kay Dingzhen.
At sa pamamagitan ng agent niya, naglabas ng letter ang kanyang lawyer noong May 14, 2022, na nagbababala sa sinumang maglalabas ng “insulting, terrifying, vulgar, or vilifying words, pictures and audio."
Read: China's "most handsome man" idedemanda ang magsasabing "guwapo lang" siya at walang talent
Empleyado, nag-relocate, nagtrabaho sa meta; ligwak after 2 days
Maraming netizens ang nakisimpatiya sa isang Indian national na nagdesisyong mag-relocate sa Canada para magtrabaho sa Meta, ang parent company ng Facebook, Instagram, at WhatsApp.
Pero pagkalipas lamang ng dalawang araw ay natanggal siya work, tulad ng 11,000 Meta employees na na-lay off noong November 2022.
Ang Indian national na si Himanshu V ay I.T. graduate at nakapagtrabaho na sa ibang I.T. service companies.
Nag-post si Himanshu ukol sa biglaang pagtatapos ng kanyang “journey" sa Meta.
Nanawagan din siya sa kung sino man ang makakatulong sa kanya na makahanap ng bagong trabaho sa Canada o India.
Marami naman ang nagbigay ng lead kay Himanshu para sa job opportunities.
Matatandaang inanunsiyo ni Mark Zuckerberg, chief executive officer ng Meta, ang tungkol sa mass layoff sa isang post noong November 10, 2022.
Ang mass layoff ay resulta ng pagbagsak ng revenue ng Meta dahil sa kumpetisyon at pag-overhire ng kumpanya.
Ang mga nasibak na empleyado ay tumanggap ng 16 weeks worth ng kanilang base pay, at two additional weeks for every year of service.
Sasagutin pa rin ng Meta ang kanilang magagastos sa healthcare sa loob ng anim na buwan.
Read: Empleyadong nag-relocate sa Canada para mag-work sa Meta, nasibak after 2 days
Kidney donor and her heartbreak
Noong January 2022, naging viral si Colleen Le at ang kuwento ng kanyang naranasang heartbreak noong 2016.
Si Colleen ay isang American social media influencer at ang kanyang heartbreak experience na ibinahagi sa TikTok ay umani ng milyon-milyong views.
Kuwento niya, may nakilala siyang lalaki at kalaunan ay naging boyfriend niya noon.
Subalit ang kanyang kasintahan ay may health condition—mayroon itong chronic kidney disease.
At dahil mahal ni Colleen ang lalaki, nag-volunteer siyang maging kidney donor ng lalaki.
Noong May 23, 2016, isinagawa ang kidney transplant at naging successful ito.
Pero pitong buwan pagtapos ng transplant, nambabae ang boyfriend ni Colleen.
Binigyan nila ng second chance ang isa’t isa, subalit mahirap nang magtiwala at nauwi ito sa mga awayan.
Ang lalaki pa ang nakipaghiwalay kay Colleen at ginawa niya ito sa cellphone.
Mapait na karanasang ito. Nadurog ang kanyang puso, at nawalan pa siya ng isang kidney.
Sa huli ay natagpuan ni Colleen ang kanyang sarili.
At kalaunan ay nakahanap din si Colleen ng panibagong pag-ibig.
Read: Babae kidney donor ng boyfriend; pinagtaksilan siya 7 months after transplant
Pagtitinda ng grilled sausage para mabayaran ang PHP365M utang
Isang naluging Chinese businessman ang nauwi sa pagtitinda sa sausage para bayaran ang kanyang $6.4 milyon (PHP365 milyon) na utang.
Dating successful businessman at may-ari ng maraming restaurant si Tang Jian, 52, ng Zhejiang Province.
Subalit nag-venture siya sa landscape engineering industry noong 2005, at dito nagsimula ng kanyang pagbagsak.
Naibenta niya ang lahat ng kanyang restaurants, bahay, at kotse, at nabaon sa utang.
Ang pagtitinda ng sausage ang kanyang naisip para magpatuloy.

Hindi alam ni Tang kung hanggang kailan siya magtitinda para mabayaran ang kanyang utang.
Pero idiniin niyang hindi niya tatakbuhan ito. Hindi rin siya hihinto until mabayaran ito.
Read: Naluging negosyante, nagtitinda ng grilled sausage para mabayaran ang utang na PHP365M
Kambal na anak ng 19-year-old Brazilian mom, magkaiba ang tatay
One-in-a-million occurrence subalit hindi imposibleng mangyari.
Ito ang pambihirang kuwento tungkol sa isinilang na twins na magkaiba ang ama.
Iniulat ng isang international news agency noong September 8, 2022, ang tungkol sa 19-year-old Brazilian mom na nanganak ng kambal.
Itinago ang pagkakakilanlan ng bagong ina, na nagulat sa pangyayari.
Sa interview, sinabi ng babae na nakipagtalik siya sa dalawang magkaibang lalaki sa parehong petsa.
Bago sumapit ang unang taon ng kambal, nagdesisyon ang ina na ipa-DNA test ang kambal para malaman kung sino ang ama ng mga ito.
Isa sa dalawang lalaki na nakatalik niya noong gabing iyon ang hinilingan ng babae na magpa-DNA test din.
Nag-match ang DNA ng lalaki sa isang kambal, subalit hindi ang isa.
Kaya hiniling din ng babae sa isa pang lalaki na magpa-DNA test, at nagmatch nga ito sa isa pang kambal.
Pambihira man, pero posible pa rin ito.
Ang pangyayaring ito ay tinatawag na “heteropaternal superfecundation,” ayon sa Biomedica journal.
Nangyayari ito kapag ang nai-release na second ova sa menstrual cycle ay na-fertilize ng sperm cells ng ibang lalaking naka-sex ng babae sa ibang pagkakataon.
Read: Kambal na anak ng 19-year-old Brazilian mom, magkaiba ang tatay
Kambal, isinilang after 30 years ng pagiging frozen embryos
Speaking of twins, pambihira rin ang kuwento ng kambal ng American couple na sina Rachel at Philip Ridgeway ng Oregon, USA.
Isinilang ang kanilang kambal na sina Lydia at Timothy Ridgeway noong October 31, 2022.
Pero bago sila isilang, naging frozen embryos muna sila for 29 years and 10 months o halos 30 years.
Ang twins ay naging embryos noong April 22, 1992.
Nabuo sila via in-vitro fertilization o IVF: ang ama ay nasa kanyang 50s at ang eggs ay mula sa 34 anyos na female donor.
Inilagay ang embryos sa isang storage "in liquid nitrogen 200 degrees below zero” sa isang fertility lab sa West Coast hanggang 2007.
Kasunod nito ay idinonate ang embryos sa National Embryo Donation Center sa Tennessee sa pag-asang magagamit ito balang araw.
At pagkatapos nga ng halos tatlong dekada, nagdesisyon ang couple na sina Rachel at Philip na mag-anak via IVF at napili nila ang 30-year-old frozen embryos ng kambal.
Read: Kambal, isinilang after 30 years ng pagiging frozen embryos
Twins na isinilang 15 minutes apart, magkaiba ang year of birth
Hindi rin nagpahuli sa mga most-read foreign stories ng PEP.ph ang tungkol sa kambal na magkaiba ang kaarawan.
Ang lalaki kasi ay isinilang ng December 31, 2021 bandang 11:45 ng gabi.
Pagkalipas ng 15 minutes, iniluwal ang kakambal nitong babae ng eksaktong 12:00 midnight, kaya’t ang kaarawan nito ay January 1, 2022.
Ikinatuwa naman ng ina ng kambal na si Fatima Madrigal ang pangyayari dahil hindi ito karaniwan.
Nanganak si Fatima sa Natividad Medical Center na matatagpuan sa Salinas, California sa U.S.

Ang lalaki ay pinangalanan niyang Alfredo Antonio Trujillo at ang babae naman ay si Aylin Yolanda Trujillo.
May mangyayari rin kayang ganitong senaryo sa hudyat ng 2023?
Read: Twins na isinilang 15 minutes apart, magkaiba ang year of birth
Lumang tsinelas ni Steve Jobs, nabenta sa presyong PHP12 million
Umabot sa $220,000 (PHP12,640,000) ang halaga ng lumang sandals ng Apple co-founder na si Steve Jobs nang maibenta ang mga ito sa isang auction.
Ang pares ng sandals na ito ay paboritong isuot ng namayapang industrial designer noong 1970s at 1980s.
Kaya naman ang presyo nito sa Julien’s Auctions ay umakyat ng hanggang higit PHP12 milyon noong November 2022.

Si Steve ay namatay noong October 5, 2011, sa Palo Alto, California, United States.
Read: Lumang tsinelas ni Steve Jobs, nabenta sa presyong PHP12 million
Zero Star Hotel sa Switzerland
Agaw eksena ang isang hotel sa Switzerland dahil kakaiba ito.
Bagamat meron itong malambot at kumportableng higaan, magandang beddings, breakfast, drinks, at butler service, wala itong bubong at pader.
Kaya naman tanaw ang mga bituin sa langit at scenic view ng hills and mountains.
May “room” na naka-set up sa isang gasolinahan, at meron ding nasa gitna ng vineyard.
Ang “hotel” na ito ay isang art installation at ideya ng kambal na Swiss concept artists na sina Frank at Patrick Riklin.

Ang advocacy ng kanilang ideya ay mamulat ang guests sa social issues at problema ng daigdig habang nakahiga sa kama.
Ang presyo ng pag-stay sa "hotel" ay 325 Swiss francs o PHP18,000 per night.
At sa maniwala kayo o hindi, libu-libo ang nasa waiting list nang iulat ito noong June 2022.
Read: Hotel sa Switzerland, walang bubong at pader; bakit libu-libo ang gustong mag-check in?
