PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Priest in Cebu dances to "Ting Ting Tang Tang" during Simbang Gabi; gets mixed reactions

Ang sayaw ay para sa isang fundraising.
by Bernie V. Franco
Published Dec 22, 2022
priest in Cebu Ting Ting Tang Tang dance
A recent Facebook post shows a priest and the sakristans dancing to the tune of "Ting Ting Tang Tang," a current TikTok dance craze. The priest performed in front of the altar during a Simbang Gabi Mass to raise funds for the poor and for the church. However, many netizens did not approve of the performance done inside the church.
PHOTO/S: Facebook (Yeng Abinales)

Unti-unting nakaka-agaw ng pansin ang video ng pari at mga sakristan na sumasayaw sa saliw ng viral TikTok song na “Ting Ting Tang Tang.”

Ang video ay kinunan sa Simbang Gabi sa isang parish church sa Danao City, Cebu kamakailan.

Sa short video clip na in-upload ni Yeng Abinales noong December 18, 2022, makikita ang pari na nasa harap ng altar habang ang kanyang mga sakristan ay nakaposisyon sa iba-ibang bahagi ng simbahan sa harap ng congregation.

Tumugtog ang viral hit song na “Ting Ting Tang Tang” at gumiling ang pari at mga sakristan ng usong dance steps.

Sa simula ay maririnig ang pagtawa at paghiyaw ng mga dumalo ng misa.

Ngunit samu’t saring reaksiyon ang nakuha ng video na ito mula sa netizens: may mga natawa, may mga nalungkot, at may mga nagalit.

DANCE TO RAISE FUNDS

Bukod dito, may iba pang post na videos si Yeng na kuha rin sa nasabing Simbang Gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May medley of songs na ipinatugtog, tulad ng remixed version ng “Jingle Bells” at "Ang Pasko ay Sumapit,” at ito ang sinayawan ng pari at ng mga sakristan.

Kinumpirma ni Yeng sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang effort na ito ng pari ay isang form of caroling bilang fundraising ng simbahan.

“It was a form of fund raising through caroling to support Church's projects and help church employees who are poor,” sabi ng uploader.

Mahihinuhang sinabi rin ito ng pari sa wikang Cebuano bago sila pumuwesto sa harap ng altar, at saka sumayaw.

Priest Cebu Ting Ting Tang Tang dance

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NETIZENS REACT

Dismayado si Yeng sa ginawang ito ng pari at mga sakristan dahil ang simbahan daw ay designated place of worship at tinuruan ang mga taong mag-behave.

Hindi rin siya sang-ayon sa “non-liturgical music” sa ipinatugtog sa simbahan.

Ang post na ito ng uploader ay mayroon ng 964,000 views at 10,000 reactions. May higit 6,000 ang pumindot ng “laughing” reactions, halos 2,000 “sad” reactions, at higit 1,000 ang “angry” reactions.

Sa ilang nag-iwan ng komento, mababakas na hindi sila na-entertain sa pakulong ito.

Base sa mga komento, ikinadismaya ng netizens ang ginawang sayaw. Para sa kanila, hindi akma ang ginawang performance sa simbahan.

May isa naman na sinabing pinapalaki lamang ang isyu.

Ang “Ting Ting Tang Tang” ay ang kasalukuyang usong TikTok dance challenge.

Remixed version ito ng Vietnamese pop song na “See Tinh,” na ang ibig sabihin ay See Love. Kinanta ito ng Vietnamese singer-actress na si Hoang Thuy Linh.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa Vietnamese, ang “Tinh Tinh” ay nangangahulugang “love,” habang ang “Tang Tang” naman ay “love you.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A recent Facebook post shows a priest and the sakristans dancing to the tune of "Ting Ting Tang Tang," a current TikTok dance craze. The priest performed in front of the altar during a Simbang Gabi Mass to raise funds for the poor and for the church. However, many netizens did not approve of the performance done inside the church.
PHOTO/S: Facebook (Yeng Abinales)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results