Maraming netizens ang nalungkot sa Facebook post ni Aj Jallorina noong December 17, 2022.
Panimula niyang pagbabahagi, “From marriage certificate to death certificate. From congratulations to condolences.”
Kalakip ng post ang wedding photo nila ng kanyang mister na si James Steven Chong.

Pagpapatuloy ni Aj, “Mahal ko, thank you for making me the happiest bride. Sabi mo nga, di mo ako nasu-surprise kasi lagi kong nakukutuban.
“Mahal ko, hindi ko ito nakutuban. Hindi ako makapaniwala. Napakasaya natin. Saksi ang Ama at ang lahat.”
Ang pinakamalungkot na bahagi ng kanyang post, “Napakasakit na pumipirma tayo sa marriage certificate natin, December 15.
“’Tapos, December 16, death certificate mo na ang pinipirmahan ko.”
Sambit pa ni Aj, “Kasama sa vow ko ang aasikasuhin kita, pero hindi agad sa funeral mo.”
Wala siyang binanggit kung ano ang naging dahilan ng maagang pagpanaw ng kanyang mister.
Sa huli, puno ng emosyon niyang sambit, “Mahal, salamat sa sampung taon na pagmamahal.
“Mahal na mahal kita.”

Nagbahagi naman ang Facebook Page na Event Innovators-Wedding Coordinator ng larawan nang ikasal sina Aj at James.
Anito, “One of the saddest news we received from our couple.
“We offer our sincere condolences to Mrs. AJ Jallorina Chong.”

Bumaha rin ang pakikiramay mula sa mga kapamilya, kaibigan at kakilala nina Aj at James, at maging sa netizens na ramdam na ramdam ang dalamhati ng sobrang agang nabiyudang bride.