PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diskarte ng naluging negosyante para mabayaran ang PHP365M utang

“Why be scared of starting all over again?"
by KC Cordero
Published Nov 23, 2022
Tang Jian selling sausages
Nauunawaan ni Tang Jian kung bakit interesado sa kanyang kuwento ang publiko, at kung bakit siya nag-viral. "Each of us lives a challenging life and encounters many difficulties, but we must hold on to a spirit of never being defeated.”

Kung ikaw ay may utang na US$6.4 million (PHP364.96 milyon) at bankrupt ang iyong mga negosyo, ano ang naiisip mong paraan para makabayad?

Ang ideya ni Tang Jian, 52, ng Zhejiang Province, China, ay ang pagtitinda ng grilled sausages.

Tang Jian selling sausages

Mula nang mag-set up si Tang ng sausage stall sa eastern Chinese city ng Hangzhou, umani siya ng papuri mula sa publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami sa kanyang customers ang kinukunan siya ng video at photo para i-upload sa social media.

Dati siyang matagumpay na negosyante. Sa edad na 36 ay nakapagpundar na siya ng maraming restaurants.

Gayunpaman, noong 2005 ay nag-venture siya sa landscape engineering industry.

Dito na nagbago ang kanyang kapalaran. Kahit gaano kalaki ang ilabas niyang puhunan, lalo lang siyang nalulugi.

Hindi nagtagal, bukod sa nabaon sa utang, naibenta ni Tang ang kanyang mga restaurants, mga bahay, at kotse.

Dito niya sinimulan na niya ang pagbebenta ng grilled sausage.

Paglalarawan ni Tang sa panayam ng Qianjiang Evening News tungkol sa kanyang tinda, "Every sausage is genuinely filled with meat, and there is no starch in it.

“When compared with those sold in amusement parks or markets, ours will make you feel safer."

Tang Jian's grilled sausages

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin niyang wala siyang idea kung gaano katagal o gaano karaming sausage ang kailangan niyang ibenta para mabayaran niya ang mga utang.

Pero pagbibigay-diin niya, hindi niya ito tatakbuhan. Hindi siya susuko. Makakabayad siya.

Nauunawaan din umano niya kung bakit interesado sa kanyang kuwento ang publiko, at kung bakit siya nag-viral.

Aniya, "Each of us lives a challenging life and encounters many difficulties, but we must hold on to a spirit of never being defeated.

"We have to keep learning to face difficulties calmly and to march ahead with courage."

Marami ang na-inspire sa kanyang kuwento. May mga pumuri rin sa kanyang katatagan at positibong pananaw sa buhay.

Tang Jian selling sausages

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Anang isang nagkomento, "He is a man with a heart of bravery and responsibility. Salute!"

Ayon pa sa isa, "I can't imagine how I would be if I had to pay that money back. Maybe I would collapse."

Hinikayat naman ni Tang ang mga taong nawalan ng trabaho o kaya ay mahal sa buhay na maging matatag.

Sambit niya, "We are born with nothing. Why be scared of starting all over again?"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nauunawaan ni Tang Jian kung bakit interesado sa kanyang kuwento ang publiko, at kung bakit siya nag-viral. "Each of us lives a challenging life and encounters many difficulties, but we must hold on to a spirit of never being defeated.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results