PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lumang tsinelas ni Steve Jobs, nabenta sa presyong PHP12 million

“The sandals were part of Steve Jobs’ simple side.”
by KC Cordero
Published Nov 17, 2022
Old sandal Steve Jobs
Unang nabenta ang lumang tsinelas ni Steve Jobs sa halagang US$2,000 (PHP114,802.00). Nai-feature ito sa iba’t ibang exhibits sa New York at Milan, hanggang tumaas nang tumaas ang market value.

Hindi malilimutan ang legacy ng Apple co-founder na si Steve Jobs sa larangan ng teknolohiya.

Kaya naman, naging ang naiwan niyang lumang tsinelas na Birkenstocks Arizona, kung saan nakahulma ang kanyang mga paa, ay nabenta sa isang auction sa halagang US$220,000 (PHP12,640,100.00).

Photo of Steve Jobs

Hindi maluho si Steve sa kanyang mga personal na gamit, but interestingly, ang German sandals na paborito niyang isuot noong 1970s and 1980s ay naging pinakamahal na pares ng tsinelas na naibenta ng Julien’s Auctions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The cork and jute footbed retains the imprint of Steve Jobs’ feet, which had been shaped after years of use,” pagbanggit ng website.

Old sandals of Steve Jobs

“Steve Jobs wore these sandals during many pivotal moments in Apple’s history.

“In 1976, he hatched the beginnings of Apple computer in a Los Altos garage with Apple’s co-founder Steve Wozniak while occasionally wearing these sandals.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, ang bagong pares nito ay mabibili sa halagang US$125 (PHP7,181.88).

Sa unang pagtataya ng auction house, inasahang aabot ang presyo nito ng hanggang US$60,000 (PHP3,447,300.00).

Nabenta ito na may kalakip na NFT (non-fungible tokens) sa hindi pinangalangang buyer.

Ang final price ayon sa Julien’s ay US$218,750 (PHP12,568,281.25).

Ang tsinelas na ito ay laging suot ni Steve at bahagi ng kanyang “foundational wardrobe.”

Una itong nabenta sa halagang US$2,000 (PHP114,802.00).

Na-feature rin ito sa iba’t ibang exhibits sa New York, U.S.A., at Milan, Italy, hanggang tumaas nang tumaas ang market value.

Sa 2018 interview kay Chrisann Brennan, dating girlfriend ni Steve, suot iyon ng namayapang tech genius kahit winter.

Aniya, “The sandals were part of his simple side. They were his uniform. The great thing about a uniform is that you don’t have to worry about what to wear in the morning.”

Book about Steve Jobs

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Chrisann, na isang American painter and memoirist, ang sumulat ng The Bite in the Apple, isang autobiography tungkol sa kanyang naging relasyon kay Steve.

Siya ang nanay ni Lisa Brennan Jobs.

Dahil kay Lisa kaya naisipan ni Steve na i-develop ang iPod.

Pumanaw si Steve noong 2011 sanhi ng kumplikasyon sa pancreatic cancer.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Unang nabenta ang lumang tsinelas ni Steve Jobs sa halagang US$2,000 (PHP114,802.00). Nai-feature ito sa iba’t ibang exhibits sa New York at Milan, hanggang tumaas nang tumaas ang market value.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results