Ang 25-year-old Turkish na si Rumeysa Gelgi na may taas na 215.16 centimeters (7 feet, 0.7 inches) ang pinakamatangkad na babaeng nabubuhay sa mundo.
Kinumpirma ito ng Guinness World Records noong October 14, 2021.
Kasalukuyang naninirahan si Rumeysa sa Safranbolu District, Karabuk, Turkiye.
Una siyang kinilala ng Guinness World Records noong 2014 bilang world's tallest living teenager.
Si Rumeysa rin ang may hawak ng record bilang babaeng may pinakamalaking kamay, babaeng may pinakamahabang daliri, at babaeng may pinakamahabang likod.
Read: Meet Galen Casida, 7’2”, ang tallest man sa General Santos City

Noong November 7, 2022 ay nakasakay siya sa eroplano sa unang pagkakataon.
Bumiyahe siya patungong San Francisco, California, para palawakin ang kanyang kaalaman sa software development.
Iniulat din ng MailOnline na nakatakda umano siyang maging employee ng Guinness World Records.
Para naman magkasya sa eroplano, tinanggal ng Turkish Airlines ang anim na economy seats ng eroplanong kanyang sinakyan.
Halos nakahiga si Rumeysa sa stretcher sa kabuuan ng 13-hour flight.

Kahit pala noong bata pa siya, hindi na siya kasya sa mga upuan ng eroplano.
May health condition siya na tinatawag na Weaver syndrome, na nagiging sanhi para ang kanyang mga buto ay mag-overgrow.

Kadasalan din na nasa wheelchair siya o walker para makapamasyal dahil sa kanyang condition.
Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Rumeysa ang mga larawan ng kanyang unang pagsakay sa eroplano.
Aniya, “It was a flawless journey from start to finish."
Dagdag pa niya, “This was my first flight, but it certainly won't be the last. From now on, I will be very honored and happy to fly to different parts of the world with @turkishairlines.
"A heartfelt thank you to every single person involved in my journey."