Isang call-center agent ang nagbihis anghel para sa isang pa-contest sa kanyang opisina kamakailan.
Yun nga lang, hindi namayagpag ang kanyang costume.
Pero dahil nag-viral ang kanyang pictorial, "winner" pa rin siya.
Si Edlester Velasco ay taga-Cebu at isang complaints specialist sa isang BPO (Business Process Outsourcing) company.
Sa panayam kay Edlester ng Lingkod Kapamilya ng DZMM TeleRadyo noong October 25, 2022, nabanggit niyang hindi pala siya ang dapat na dadamitan na anghel.
“DRESS UP YOUR CHAIR” NO MORE
Kuwento ni Edlester, dapat daw ay ang working chair niya ang dadamitan at didisenyuhan na guardian angel.
Ang competiton ay tinatawag na “Dress Up Your Chair,” na parte ng celebration nila ng Customer Service Week.
“Pero hindi kami sumunod,” ani Edlester.
Sabi niya, “Natutumba kasi yung upuan kaya ako na lang ang sumuot sa pakpak, doon na lang kami nag-picture.”
“Hindi na ako tumayo sa inuupuan ko. Instead na yung upuan ang lalagyan ng design, ako yung naging decoration ng team namin,” kuwento niya.
“Hindi kami nanalo kasi hindi kami sumunod [sa rules].
“Pero nakakatuwa kasi umagaw din ng atensiyon yung mga posts ko po kahit hindi kami ang nanalo,” ang kuwento ni Edlester.

May nakakatawa pang background story si Edlester kung bakit anghel ang napili niyang konsepto para sa kumpetisyon.
Sabi niya, “Yung palaging linya ng mga customers na, ‘I want to speak with someone higher,’ so parang yung idea [angel din na iyon din ang nilagay namin.]
“Technically, yung linya nila is, ‘I want to speak with a supervisor.’
“But sometimes, kahit nakikipag-usap ka na sa supervisor, sometimes they still want to speak with someone higher.
“So wala na talagang... angel na po yung highest.”
EARTH ANGEL IN PHOTOS
Hindi sinayang ni Edlester ang pagkakataon at umawra siya at nagpakuha ng photos habang suot ang angel costume.
Siyempre pa, maraming netizens ang ikinatuwa ang “angelic” pictorial ni Edlester.
Aprubado ang kanyang costume hindi lang ng kanyang teammates kundi pati na rin ng ilan nating kababayan.
Marami rin ang natuwa sa dalang positive vibes ng angel costume ni Edlester, lalo na yung window shots niya.
Bumagay ang lighting sa labas at nagmukhang galing sa kalangitan ang sinag nito.
“Parang sumupport din yung ilaw, yung sunlight talaga. Tumama talaga siya sa wings,” sabi ng call-center agent.

BRINGS GOOD VIBES
Kaya angel daw ang theme ng kanilang entry ay dahil sa trabaho nilang pagtanggap ng complaints ng mga customers, at ito naghahanap ng kaukulang aksiyon.
Pag na-resolve daw nila ang issues ng kanilang customers, para na rin daw silang guardian angels.
Ayon sa Catholic religious belief, ang mga anghel ay sugo mula sa langit at sinasabing protektor ng mga tao rito sa lupa.
Biyayang maituturing ang imahe ng isang anghel sa kahit anong paraan sila makikita.
Hindi man nanalo ang team nina Edleste, higit pa sa nagwagi ang binata dahil trending siya, o! Na-interbyu pa siya sa teleradyo at na-feature sa social-media platforms