PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tenga ng isang bata sa Albay, tinirhan ng uod at “doon nangitlog”

Nilagnat ang bata at inirereklamo na laging masakit ang ulo.
by Bernie V. Franco
Published Oct 26, 2022
uod tenga
Paano ito nangyari? Paliwanag ni Dr. Nats Rempillo, provincial health officer ng Albay, “Mayroon talagang mga insektong naghahanap ng pangingitlugan."
PHOTO/S: YouTube (GMA News)

Hindi lang isa kundi labindalawang uod ang natagpuan sa tenga ng isang 11 anyos na bata sa Tabaco, Albay.

Noong October 17, 2022, ipinost sa Facebook ng tiyuhin ng bata na si Sargie Bondocoy, ang natuklasan nilang mga uod sa loob ng tenga ng kanyang pamangkin.

Nagrereklamo raw ang bata na lagi itong nakakaranas ng pananakit ng ulo at namamaga ang tenga, ani Sargie na isang blogger at radio disc jockey sa kanilang local radio station.

Nagulantang ang mga magulang at nabigla raw ang buong pamilya nang silipin ang loob ng tenga nito.

Ani Sargie sa kanyang post at video na ipinalabas sa 24 Oras noong October 23, 2022, “May lumabas na 12 pirasong kulay berdeng uod mula sa kanyang tenga.

"Yun din pala ang sanhi ng pag kirot ng kanyang ulo.

“Nagulat kami kasi nagsilabasan nga yung mga uod na ito. Hindi namin alam kung ano yung tawag dito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia, marahil ay nakuha niya ito noong sumama siya sa kanyang ama para kumuha ng kangkong.

Sabi ng bata sa report, “Sumama ako kay Papa ‘tapos naghanap kami ng kangkong. ‘Tapos umuwi na kasi sabi ko maghanap pa akong kangkong.”

Makalipas ang ilang araw, nilagnat ang bata at nakaranas daw ng pananakit ng ulo.

Maririnig si Sargie sa video habang pinapakita ang loob ng tenga ng pamangkin, “So may nakikita ako parang… di ko alam kung mata o ngipin ng uod,”

uod tenga video

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dinala ang bata sa city health unit ng lugar. Nilinis ang tenga nito at binigyan ng gamot para hindi ma-impeksiyon.

Pero paano nagkaroon ng uod sa tenga ng bata?

Paliwanag ni Dr. Nats Rempillo, provincial health officer ng Albay, “Mayroon talagang mga insektong naghahanap ng pangingitlugan.

“So ibig sabihin, nagkataon lang na tao yung pinangitlugan. Nakapasok sa tenga, hindi nito napansin, doon nangitlog.”

uod tenga

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang mga uod na natagpuan umano sa loob ng tenga ng bata.

Babala ni Rempillo, delikado ang ganitong sitwasyon lalo na kung malapit ito sa utak dahil maaaring umabot doon ang impeksiyon.

Paalala niya, panatilihing laging malinis ang katawan at ingatan ang kalusugan.

Samantala, sinabi naman ng ama ng bata na nais niyang maipatingin sa espesyalista ang kanyang anak para matiyak na wala nang naiwan sa tenga nito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paano ito nangyari? Paliwanag ni Dr. Nats Rempillo, provincial health officer ng Albay, “Mayroon talagang mga insektong naghahanap ng pangingitlugan."
PHOTO/S: YouTube (GMA News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results