Muling na-trap ang "Star Wars" character na si Han Solo sa panibagong sticky spot, sa pagkakataong ito, sa tinapay.
Lumikha ang One House Bakery sa Benicia, California ng bread sculpture na life-sized replica ng frozen version ni Han Solo—na tila sumasalamin sa nangyari sa karakter na ginampanan ni Harrison Ford sa ending ng 1980 film na Star Wars: Episode V - The Empire Strikes Back.

Ang tinapay ay tinawag na “Pan Solo.”
Sa Instagram ay nag-post ang One House Bakery noong October 17, 2022. Saad nito sa caption: "Pan Solo has been encased in levainite... we’re giant nerds!"
Ang bread sculpture ay ginawang entry para sa local scarecrow contest ng may-ari ng bakery na si Hannalee Pervan at ang kanyang inang si Catherine.

Ayon kay Catherine sa isang panayam, “We're super fan girls when it comes to science fiction, and the Star Wars franchise obviously is just so iconic.
“Han Solo frozen in carbonite is an image everybody knows, and I don't think anyone's ever done it out of bread."
Tatlong buwan na nagplano ang mag-ina kung paano gagawin si Pan Solo.
"Then it took about a month working after hours," ayon naman kay Hannalee.
Ginagawa nila si Pan Solo tuwing gabi kapag sarado na sa customers ang bakery.

Sinimulan nila ito sa isang pirasong plywood at maskara ni Harrison Ford para makuha nila ng tama ang body ratio, saka nila minolde ang mga minasang harina para maiporma ang katawan at mailagay ang mga detalye ni Pan Solo.

Ang minasang harina ay walang yeast, pero may asukal.
"You could eat it," ani Hannalee said, laughing. "It's just that it would taste very gross at this point—because we shellacked it so the birds and squirrels wouldn't eat Pan Solo."
Si Hannalee rin ang nagsilbing model para sa katawan ng bread sculpture.

"I'm basically the same height as Harrison Ford. So I just laid down. It was like 11 o'clock at night and I was like, 'Just trace me, this is gonna work.'"
Naka-display si Pan Solo sa labas ng One House Bakery hanggang matapos ang Halloween.
"People come by day and night," ani Catherine.
"We have a camera outside so we can see people here at like 1 a.m. or 2 a.m."

Masaya ang mag-ina kapag nakikitang may nagpo-pose kay Pan Solo, at inaamoy ito o kaya ay kunwaring sinasapak.
Sambit ni Catherine, "The response has been just crazy, people are fascinated by it."
Si Pan Solo ay bahagi ng Downtown Benicia Main Street Scarecrow Contest. Isa itong event kung saan ang mga negosyo sa area ay nagdi-display ng iba’t ibang scarecrows sa buong buwan ng October.
Ang mga bisita sa Benicia ay maaaring bumoto kung alin ang kanilang paborito hanggang October 23.
Ang mag-inang Hannalee at Catherine ay seryosong lumalahok sa nasabing contest taun-taon.
Noong 2021, ang naging entry nila ay tinawag na "Dough-ki," na inspired naman ng Marvel character na si Alligator Loki.